Mission 12: Punishment

83 10 1
                                    

KLEO

Tahimik akong lumabas ng gate nina Shin, alam kong sa ngayon ay may ideya na sya sa kung ano ang nangyayari. Kita ko ang bilog na buwan at mga bituin sa langit, siguro kung nandito si Shin panigurado matutuwa 'yun. She loves darkness, starts and most of all is the moon.

*peep peep!*

Napalingon ako sa kabilang bahagi ng kalsada kung nasaan ang kotse ng kambal, hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob pero alam kong si Jack iyon. I mentally laughed because he would not leave without answers. I immediately went inside his car.

"You owe me an explanation." He said with a serios tone.

Sandali akong tumahimik at tumingin sa labas, naalala ko na naman ang nangyari kanina. Ako ang gumawa ng paraan para makaalis ang secretary ng ama ni Shin.

-

"Jack, I need your help." I said to Jackson thru phone call.

"Ano ba 'yan bro?"

"I need you to make this woman get out of the party later." Then I send her the picture of a woman, ang secretary ni Mr. Lee.

"Woah, bro, teka lang naman. Ang bilis naman masyado, sino ba 'yan? Is that your fling? Mukha namang mas matanda sa atin? Bro, don't tell me-" Agad kong pinutol ang sasabihin nya dahil baka kung saan pa makarating. Tsk.

"Jack, I'll explain it to you later. Maasahan ba kita dyan? Sasabihan naman kita kung kailan mo gagawin-"

"Edi pupunta ka? Nako, hindi mo talaga matiis si Shiana 'no? Ayieee!" Napahawak ako sa sintido ko at napailing. Jack will always be Jack. "Anyways, okay, ako na ang bahala. Basta sabihin mo sa akin kung bakit pagkatapos. Isa pa, bakit may tatoo kayo ni Shiana sa wrist? Ano 'yan, couple tatoo? Ayan na pala ang-"

"What?" Nanlamig ako sa tanong na iyon ni Jack. Wala sa sariling napatingin ako sa pulso ko, ibig bang sabihin nito ay nakakakita ng multo si Jack? "M-mamaya nalang."

Hindi ko na sya pinagsalita at binaba na ang tawag. Pinagsawalang bahala ko na lang muna ang bagay na iyon, maya maya pa ay naghanda na ako at pumunta na kila Shin. My heart skipped a beat when I saw her, she's so damn beautiful.

Lumipas ang mga oras at sinenyasan ko na si Jack, nagpaalam syang magpupunta ng CR. Medyo natagalan syang bumalik at napansin kong tumayo rin si Shin paalis. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakabangga nya ang secretary ni Mr. Lee, pero hindi nya ata alam na si Ilyn iyon dahil nakayuko ito.

Nagpaalam ako sandali at sinundan ang babae, sinigurado ako na nakasakay na sya bago ako bumalik muli sa loob.

-

"Huy!" I looked directly at his eyes.

"Jack, can you see ghost?" Napatigil sya sandali at napakunot. I knew it. I smirked, he can't hide this to me.

"Bro, ano ba naman yang biro mo. Hehehe!" Sabi pa nya pero alam kong peke iyon. Tiningnan ko sya ng seryoso hanggang sa tumigil sya sa pekeng tawa nya, bigla syang sumeryoso at tumingin sa harap. "How did you know?"

Agad kong iniharap sa kanya ang pulso ko kung saan nakalagay ang salita na ten. "What's written on this?"

"Huh? Ten malamang, ano ka ba? Ako nagtatanong diba?" Iritable na sabi nya sa akin.

"Because of this tatoo." Gulat syang napatingin sa akin, naguguluhan. Agad kong kinuha ang phone ko at kinuhanan ng litrato ang pulso ko at pinakita sa kanya. Nanlaki ang mata nya at napahawak pa sa bibig nya.

"How.. Ah- wait- what?"

"Look, Jackson. This one is surely insane and I bet you'll make fun about this. Do you still want to hear it?" Inaasahan kong tatanggi syang pakinggan ang paliwanag ko pero nagulat ako sa naging sagot nya.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now