Mission 35: Stock Room

53 6 1
                                    

SHIANA

Ako lang ata ang estudyante na gugustuhing magkaroon ng detention. Syempre hindi ko naman 'to gugustuhin para lang sa wala. May purpose ako kung bakit natuwa akong sa stock room ako nilagay.

"You are insane! Excited ka pa talaga ha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Apreal habang tumango naman si Gale.

"Bakit ba? First time ko kaya 'to." Pagmamaang-maangan ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin yung totoong dahilan kung bakit ako nasa mood kahit na ganoon ang nangyari. "Sige na, una na ko. Bukas na lang! Bye!" Paalam ko at tumakbo na papunta sa stock room.

Bago ako makapasok ay isang lalaki ang lumabas mula rito. Lumapit naman ako sa kanya at binigay ang detention slip ko.

"Ikaw pala 'yun. Sige, maglagay ka muna ng apron at gloves. May kukunin lang ako." Aniya.

"Sige po." Kinuha ko ang gloves at apron na nakasabit sa gilid. First time kong makapasok dito at hindi naman pala sya gaanong marumi. Medyo magulo lang.

"Tara, ine. Doon tayo sa food section." Tumango ako kay manong.

Sinabi nya sa akin ang gagawin ko. Isasalansan ko lang daw ang mga tsitsirya sa iba't ibang lalagyan, gugupitin ang magkakadikit na packs coffee, ibo-box ang mga ito at marami pang iba.

"Wala po ba rito yung mga gamot?" Tanong ko pero hindi ko gaanong ipinahalata ang kuryosidad ko.

"Ah, nandito rin pero hindi na 'yun abutin ng oras mo."

"Naku! Aabutin po 'yan! Gagawin ko na po yung kailangan kong gawin, nasaan po ba?"

"Titingnan natin, hija. Tara, ito nga pala yung gagawin mo."

Nanlaki ang mata ko nang makita kung gaano kadami ang gagawin ko. Juice colored naman! Kakayanin ko ba 'to hanggat kalahating araw?! Narinig kong tumawa si manong na nasa tabi ko kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.

"Sabi sayo hija, dyan palang eh mauubos na ang oras mo. Sige na at mauuna na ko." Nang-asar pa talaga.

"Hehe sige po." Sabi ko at binigyan sya ng pekeng ngiti. Nakalabas na sya at nakatitig pa rin ako sa harap. "Hays, magawa na nga."

Una kong inayos ang mga box na gagamitin ko kung saan ilalagay ang mga pagkain. Sobrang dami naman kasi nito, isang room ba naman na puno ng mga tsitsirya, biswit, tsokolate at kung ano ano pa! Una kong kinuha ang isang malaking plastik ng pinaghalo-halong nova, vcut, piattos, cracklings at iba pa. Isa isa ko itong nilagay sa kanya kanyang lalagyan hanggang sa hindi ko namalayan na isang oras na pala ang lumipas. Umupo ako sa lapag at sumandal sa pader. Pinunasan ko ang pawis ko at kinuha ang tubig ko sa tabi. Nakakapagod din pala 'to ha. Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya tumayo ako para buksan ito at nagulat ako ng tumambad sakin ang isang plastik ng McDo. Uy, favorite ko!

"Wow, McDonalds!" Balak ko na sanang kuhanin ang pagkain pero agad kong binawi ang kamay ko. "Teka, sino ka ba?"

"Hi, Shiana!"

"JM?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Agad nyang binaba ang plastik ng McDonalds at tumambad sa akin ang mukha nya.

"Ako nga. Hehehe. Nalaman ko kasing dito ka pala pinadala kaya dinalhan kita ng food."

"A-ah ganoon ba. Tara pasok ka." Pumasok naman agad sya.

Inilapag nya ang dala nya sa mesa na nasa loob ng kwarto, hindi ko akalain na marami rami pala syang dala. May dalawang large size float, fries, sundae at dalawang meal ng two pieces chicken with two extra rice. Wow!

"Ang dami naman nito. Mukha ba kong masiba kumain?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi naman. Kain na."

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now