Mission 9: A Day Before

93 9 1
                                    

SHIANA

Days had passed and Dad's party will be tomorrow evening. He's so busy with his work kaya't kami nalang ni Mama ang nag-ayos ng mga bagay bagay. We invited dad's colleagues, comrades and other relatives.

"You can also invite your friends, Shiana." Mama said.

Tumango na lang ako at pumayag. Mukhang mas okay nga na nandito sina Apreal at Gale para hindi naman ganoon ka-boring, ipapakilala ko rin kay mama na may bago akong kaibigan. She always wanted me to have numerous friends, pwede ko raw kasing magamit na connection ang mga iyon sa future pero alam naman nya na hindi ako magaling makipag-socialize kaya nasanay na rin sya.

Tumunog ang door bell kaya't pinagbuksan ito ng kasambahay, hindi na ako lumingon dahil baka isa lang sa mga organizer ng party ni dad iyon. Pero mukhang mali ako dahil may brasong pumulupot sa leeg ko at tumalon talon pa. Agad akong humarap sa taong 'yon at tiningnan sya ng masama.

"Okay, sorry na Shiana. I'm just excited to see you!" Sabi nya habang tumatawa. Nag-mano muna sya kay Mama bago umupo sa tabi ko.

"Bakit ka nga pala nandito?" Diretsang tanong ko.

"Mall tayo, tara!" Yaya nya sa'kin. Napakunot ang noo ko dahil pangalawang beses na nyang mag-aya sa mall ngayong linggo.

Hinarap ko ang laptop ko at nagsimulang mag-type saka sumagot. "I'm busy, Apreal. Ano namang bibilhin mo sa mall? Ang dami mo ng damit ah?"

She laughed slightly before answering. "Bibili tayo ng damit for acquaintance! Tara na!"

Umiling ako bilang sagot na hindi ako makakasama pero biglang sumingit si Mama.

"You should go, Shiana. Bumili ka na rin ng dress mo para bukas and hija, Apreal, tomorrow will be Sheldon's party for his birthday. Punta ka ha? Isama mo na rin yung ibang kaibigan nyo ni Shiana, if mayroon man na bago." Tukoy ni Mama kay Dad.

Agad na tumango si Apreal at hinatak ako papuntang kwarto ko. Sya ang namili ng damit na isusuot ko para sa mall, tinatamad kasi akong umalis ng bahay. Tsk. I reached my phone and dialled Gale's number.

"Gale, tara sama ka sa amin!"

"Where?" Sagot nito sa kabilang linya. Mukhang nagbabasa na naman ito ng novel.

"Mall. We'll pick you up there, okay?"

"Ha? Okay, sige."

Apreal wink at me na parang sinasabi na tama raw na niyaya ko si Gale. Maya maya pa ay umalis na kami, iyong kotse nila Apreal ang ginamit namin. Napatingin ako sa labas ng kotse habang tinatahak namin ang daan papunta kay Gale. Sa kabilang subdivision pa iyon kaya medyo malayo.

Sumagi sa isip ko iyong susunod na misyon, sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin dahil wala akong plano. Hindi ko pa nasasabi kay Kleo dahil hindi naman sya sumasagot sa mga text at tawag ko. Hindi ko rin sya nakikita sa school, kahit na yung kambal. Napairap ako dahil dun, naiinis lang ako dahil bukas na 'yun pero wala akong magawa. Hindi ko alam kung anong mangyayari at kung magagawa ko ba ito ng ako lang? I admit, dependent akong tao lalo na kung hindi ko alam ang gagawin ko. I release a sigh. Mukhang kailagan ko itong harapin mag-isa.

Nasa gate na kami ng subdivision at ayaw kaming papasukin dahil hindi kami kilala rito. Nakikipagtalo na si Apreal sa security guard dahil mukha raw ba kaming gagawa ng masama sa tingin nila. Pinipigilan ko nalang sya dahil minsan masakit ito magsalita.

"Wait, I'll call her." Tukoy ko kay Gale, ilang ring lang ay sumagot na ito. "Gale! Thanks god sumagot ka. Ayaw kaming papasukin sa village nyo."

"Hala ganoon ba? Okay, I'll talk to the guards." Ibinigay ko sa guard ang phone ko at kinausap nya si Gale.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now