Mission 44: Sudden Blow

48 5 1
                                    

KLEO

Hindi kami magkanda ugaga ni Shin sa pag-aayos ng mga files na gagamitin namin laban sa Ellipse Company. Halos kumpleto na ang lahat at ang pagsiwalat na lang ng ginagawa nila ang kailangan.

"Guys! Sorry we're late!" Rinig kong sigaw ni Apreal pagpasok sa bahay.

Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin dahil si Shin na ang kumausap sa kanila.

Dala rin nila ang ibang ebidensya na gagamitin namin para mapasara ang kumpanyang iyon. I know this is impossible but we have no choice. Isa pa, kailangan naming matapos ni Shin ang misyon na 'to.

Maya maya pa, lumabas na kami ng bahay at sumakay sa sasakyan ng kambal. Pupunta kami ngayon sa isang kilalang abogado na hahawak sa kaso na 'to, hindi na rin kami mahihirapan na kumbensihin si Attorney Sanchez dahil nakausap na siya ng parents ko.

Tahimik kaming lahat habang nasa byahe, halatang kinakabahan din sila sa kahahantungan nito. Napatingin kami kay Jackson na humarap sa amin bigla.

"Ano ba 'yang mga mukha niyo, guys? Kaya natin 'to! Naka-simangot kayong lahat, ang panget niyo tuloy. Hahaha!"

"Hay, ang hirap maging kalmado ngayon. I'm so nervous! What if mabasura lahat ng pinaghirapan natin? They might come after us!" Kabadong sabi naman ni Apreal. Agad namang nakisali sa usapan si Shin.

"Ang kailangan nalang natin ay magtiwala na maaayos 'to."

Nagkatinginan silang lahat na para bang nagdadalawang isip kung magagawa ba namin 'to. I sighed.

"Shin is right. Magtiwala tayo na magagawa natin 'to. We're here. Tara na."

Naabutan namin ang dagsang mga tao dito sa Law Firm. Si Brandon na ang humarap sa front desk at umakyat agad kami sa 20th floor. Sinalubong kami ni Atty. Sanchez ng nakangiti, he offered us a seat and we accept it.

Kinamusta niya muna kaming lahat at saka siya seryosong nagtanong.

"Kids, you know how serious this matter is. You parents Kleo already discuss it to me." Pinagsalop niya ang dalawang kamay at tiningnan kami isa-isa. "Sa totoo lang, hindi ako kakapaniwala sa sinabi nila. Pero nang i-review ko lahat ng ebidensya na hawak niyo at nang magsagawa ako ng sarili kong imbestigasyon ay napagtanto ko na tama kayo."

Nabuhayan kami ng loob dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay may pag-asa ang kaso na isasampa namin.

"You mean attorney, there is a huge possibility na maging successful ang kaso?" Tanong ni Shin.

"Yes, Ms. Lee. Although competing with a company with so much power is a big risk, I am still willing to take that risk. Ang tunay na alagad ng batas katulad ko ay dapat sa tama pumapanig at sa ikabubuti ng bayan, hindi sa isang bagay na magbibigay ng karangyaan at sobra sobrang kapangyarihan-"

Naputol ang sinasabi niya ng mag-ring ang phone niya. He excuses himself for a while.

"He's unbelievable. Akala ko tatanggihan niya tayo dahil mahirap kalaban ang Ellipse, pero kita mo nga naman. He's willing to take the risk just to win our case." Nakangiting sabi ni Gale na ngayon lang nagsalita mula kanina.

"I know right, Gale. He's the highest paid attorney here in Manila! Pwedeng pwede niya tayong tanggihan dahil masisira ang reputation niya but he didn't. Such a great server of nation."

"Sana magtagumpay tayo para wala ng ibang inosente ang madamay. Lalo na ang schoolmates natin."

Patuloy lang sila sa pag-uusap tungkol sa kaso at kay Attorney ng biglang bumukas ang pinto at iluwa nito ang abogado. Napatayo ako dahil gulat ang mata nitong nakatingin sa amin. Pati ang mga kasama ko ay napatigil sa pag-uusap.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon