Mission 7: Officially Friends

93 13 1
                                    

SHIANA

Lumipas ang ilang araw nang wala akong balita kay War, hindi ko naman alam kung anong number nya kaya hindi ko makamusta. I don't even know where he stays here, ibinenta na kasi yung bahay nila dito kaya baka sa isang condominium unit sya nakatira. After din ng friendly date namin na yun ay parang may nagbago sa mga kaibigan ko, lagi na kasing sumasama sa amin yung tatlo at parang may kanya kanya silang buhay. Katulad nalang ni Jack na laging kinukulit si Gale pero hindi naman sya gaanong pinapansin at si Brandon at Apreal na nag-uusap sa mga bagay tungkol sa school. Ako? Wala. Wala akong makausap.

"Oh, nasan si Kleo?" Bungad na tanong ni Apreal sa kambal ng makarating sila sa table namin sa canteen.

"Ewan ko eh, ayaw sumama. Hello, Gale." Sabi ni Jack at tumabi kay Gale, as usual hindi sya nito pinansin at nagbasa lang ng libro.

Tahimik silang nag-uusap habang ako, hindi nagsasalita. It's not that I don't want to talk to them but I'm not in the mood. Natapos na kong kumain at nilapag ang kubyertos sa mesa. Mukhang nagulat sila kaya napatingin sila.

"Got to go, may gagawin lang ako." Hindi ko na sila hinintay na makasagot at agad silang tinalikuran. Malapit na ako sa may pinto ng canteen ng pumasok ang isang lalaki at isang babae. Napahinto ako sa kinatatayuan ko at ganun din ang lalaki.

Tiningnan ko sya sa mata at agad na umalis. The hell with that guy, ano bang problema ang dulot nya sa buhay ko? Imbes na nagpapalamig ako ng ulo ay lalo pa kong nabwisit dahil sa nakita ko. Napaisip tuloy akong isumbong sila dahil masyado silang PDA kanina. Halos magyakap na sila habang papasok, hindi ba nila alam na maraming bata ang nakakakita ng mga ginagawa nila? Mas maganda talagang mahuli sila para wala ng mga lintang nasa daan.

"Kala mo naman nasa date at kung makayapos sa isa't isa eh parang mawawala ang isa sa kanila." Bulong kong sabi at naglakad papunta sa lugar na yun.

Pumwesto ako sa ilalim ng puno at isinandal ko ang ulo ko rito, ipinikit ko rin ang mata ko upang marelax naman ang utak ko. Inaalala ko ang magagandang bagay na nangyari sakin dati. Yung mga panahon na wala akong iniisip na misyon at tanging ang pasaway na si Apreal lang ang kasama ko.

"Hey, Shiana. Anong mas maganda sa dalawa? Itong royal blue or itong blossom pink?" Sabay pakita nya ng dalawang dress.

"Ahm, yung pink."

"Okay, this is yours and the blue one is mine!"

"Hey! You know I'm not fond of wearing dresses." Kinindatan nya lamang ako at binayaran na iyon.

Natatawa ko habang naaalala ko yung mga kabaliwan nya para magmukha akong babae, she said that I should act like a lady kung ayaw kong mabully ulit dahil sa hitsura ko. I'm really thankful that she came into my life and now we have Gale in our side. She's like our big sister cause she has many deep explanation in everything and she can make easy solution in our problems. Kahapon nga, nagkwento sya ng experience nya nung nabu-bully sya sa former school nya. Dahil dun naalala ko tuloy yung experience ko nung nabu-bully pa nila ako.

"Pwede bang tumabi ka? You nerd! Hahaha!" Tumungo ako at naglakad papunta sa likod, kung nasaan ang upuan ko.

"Oh, bakit nandito ka? You should be in front para makapakinig ka lalo at hindi ka laging lowest!" Nagtawanan silang lahat kaya lalo akong napayuko. I hate this feeling, I don't know how to defend myself, I pity myself.

"Nerd, umalis ka na lang dito." Mas lalong lumakas ang tawanan kaya hind na ko nakagalaw sa kinatatayuan ko. Someone grab my things and thrown it infront. Wala nakong nagawa at naiyak nalang. That moment, no one dare to save me, to protect me.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now