Mission 48: Run and Hide

59 4 1
                                    

HALEY

I feel so fresh after I soaked myself on the bath tub. Gosh! Sobrang lagkit kasi sa pakiramdam kanina dahil sa small party na naganap. Well, if you don't know, its Shiana's birthday. My cousins invited me.

Buti nga hindi nagalit o nagprotesta yung Shiana na 'yun.

Nahiga ako sa kama at nakaramdam agad ng antok. Humarap ako sa kanan, I saw Apreal- Brandon's girl- peacefully sleeping. Wala naman yung kambal. Sina Gale at Mariz. Nasaan naman kaya 'yun? As far as I know, umakyat na rito yung isa. Hindi ko lang alam kung sino sa kanila dahil nalilito ako sa kanila.

"Ano bang iniisip mo!"

I felt alerted when I heard that. Nasa labas lang siya ng pinto, isa sa kambal na babae. Mauupo na sana ako para pakinggan pa pero biglang bumukas ang pinto. Okay self, pretend that you're asleep!

"Nasaan ba 'to? Hindi mo pa nainom yung gamot mo eh. Lagot ako nito!"

Wala na siyang sinabi pagkatapos nun, but I am hearing different sounds. Tunog ng pagbukas at sara ng zipper, isang bote na may laman dahil tumunog ito, and a key. Hinintay ko siyang makaalis bago ako bumangon.

"What was that? Aalis ba siya?"

Pero ang pinakatanong ko ay...

"Si Gale ba 'yun o Mariz?"

-

SHIANA

"Ang s-sakit.."

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at tiningan ang paligid. I'm in a room. Kwarto na parang pang-prinsesa. Kulay pink ang motif. Ayos na ayos ang mga gamit at para bang hindi pa nagagamit.

Babalakin ko sanang tumayo mula sa kinahihigaan ko para mas sipatin ang paligid pero hindi ko magawa dahil sa sakit ng batok ko. Juice colored, ano nga ulit ang nangyari?

"Antok ka na?"

"Oo eh."

"Okay, good night, Shiana."

"M-mariz?"

"Happy birthday, Shiana."

Bumalot ang kaba sa dibdib ko dahil sa naalala ko. Ibig bang sabihin nito may balak na masama si Mariz? Pero bakit? Dahil hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin?

Kahit masakit ang batok ko at medyo nahihilo ay sinubukan ko pa rin na tumayo, I really need to get out of here! Hindi maganda na nandito ako, kung saan man ito! Kahit makalayo at makahingi lang ng tulong ayos na basta huwag dito. Masama ang kutob ko, she planned this!

Palabas na sana ako ng pinto ng mahagip ko ng mata ko ang isang telepono.

"I think I have the luck." Bulong ko at inabot ito.

I dialled our landline number but, shit!

"Putol ang linya! Ano ba!"

Binitawan ko na ang telepono dahil wala namang silbi. Okay, mukhang mali ata ako na swerte ako. I don't any have a choice kung hindi ang bilisan nalang, kailangan kong makaalis dito ng ako lang at ng hindi niya nahuhuli.

Pinihit ko pabukas ang seradura ng pinto at dahan dahan itong binuksan. Sinilip ko muna kung nandito siya o may bantay, ngunit wala. Hindi ko alam kung magandang senyales ba na walang nagbabantay sa akin, pero bahala na. Ang importante makalabas ako sa lugar na 'to!

Tahimik akong tumakbo papunta sa kanang bahagi pero agad akong napahinto sa nakita ko.

Holy cow.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now