Mission 14: Sick

64 10 1
                                    

SHIANA

Nagpahatid ako kay Kleo sa may simbahan malapit sa subdivision, feeling ko kasi kailangan kong magpasalamat sa Kanya ngayon at humingi rin ng tawad. Agad akong nakilala ng mga madre na nandito dahil madalas akong magpunta at nagse-serve din ako rito dati. Nakakamiss pala.

Naupo ako sa unang bahagi, lumuhod at pinagsaklob ang dalawang palad at saka pumikit.

"Lord, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng mga bagay na ibinigay at ibibigay nyo pa. Masaya ako na gawin ang misyon na ito dahil alam kong makakabuti ito para sa amin. I'm so blessed to have a partner like Kleo that would not leave my side. Pasensya na rin po kung hindi ko magawang mapatawad si Dad sa ngayon pero alam kong dadating ako sa punto na 'yun. Hinihiling ko na gabayan nyo kaming lahat sa pang-araw araw n gawain namin, lalo na sa misyon. Amen."

Hindi muna ako lumabas ng simbahan at nanatili muna sa loob ng ilang minuto. Umingay ang paligid at napagtanto ko na umuulan pala. Malas naman, wala akong payong eh. Lumabas ako at sinilip ang kotse ni Kleo pero parang wala doon. Umalis na ba sya? Iniwan nya ko? Sabi nya hihintayin nya ko.

"Hija, pumasok ka muna at malakas ng ulan." Sabi sakin ng isang madre, wala na kong nagawa kung hindi pumasok at manatili doon ng ilang minuto.

Halos isang oras din ang lumipas nang mapagpasyahan kong lumabas. Medyo malakas pa rin ang ulan.

"TANGINA, SHIANA! NASAN KA BA?! SHIANA!" Napatingin ako sa gawing kaliwa at nakita ko si Kleo na basang basa ng ulan.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso nya, pagharap nya sakin ay parang lumambot ang ekspresyon nya at agad akong hinatak para yakapin.

"SHIANA, SHIT! Glad you're okay!" Halos mabasa na ang buong harap ng damit ko dahil sa higpit ng yakap nya. Medyo mainit din sya, kanina pa ba sya nagbabad sa ulan? "Sorry, are you fine? Hindi nagsend ang message ko, may meeting kami sa school at sobrang kaba ko dahil mag-isa ka lang. Thanks, God!" Mahabang paliwanag nya.

"Over acting ka, okay lang naman ako. Ikaw nga basang basa ka eh, nabasa rin tuloy ako oh!" Sabi ko dahil mukhang alalang-alala nga sya. Ayoko rin naman sabihin na akala ko iniwan na nya ko.

"Tara na, iuuwi na kita." Iyon lang ang sinabi nya at tinakbo namin ang daan papunta sa sasakyan nya.

Panay ang sulyap ko sa kanya habang nasa sasakyan sya, halata kasing may iba syang nararamdaman. Ngiti lang ang binigay nya sakin at umalis na pagkababa ko ng sasakyan.

Maaga akong pumasok kinabukasan, baka kasi may importante akong na-missed. Titingnan ko rin kung maayos ba yung pakiramdam ni Kleo dahil mukhang may sakit sya. Bakit naman kasi nagpaulan pa yung lalaki na 'yun?

"Parang kahapon lang siya ang naghahanap sayo ah, tapos ngayon ikaw naman. Ayos kayong dalawa ah! HAHAHA!" Pang-asar na sabi ni Jack pero siniko lang sya ng kakambal nya kaya naman napatahimik sya. "Hehehe, joke lang."

"So, nasaan nga sya?" Ulit ko sa tanong ko.

"Hindi sya pumasok eh. I'm trying to call him but he's not picking up." Paliwanag nya. Tumango na lang ako at sumunod kina Gale at Apreal.

Tahimik akong naupo sa pwesto namin sa canteen, wala yung kambal dahil busy daw. Nahahalata ko rin ang excitement sa bawat estudyante. What's going on?

"Meron na ba kayong damit para sa event?" Panimula ni Gale. Tumango si Apreal at tumingin silang dalawa sakin.

"Anong meron?" Napatigil sa pagkain ang dalawa at nagtatakang tumingin sa akin.

"Shiana, Acquaintance Party na. Don't you remember?" Paliwanag ni Gale.

"A-ah! Oo, oo nga pala."

A Mission With The Popular (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt