Mission 26: Letters

58 5 1
                                    

SHIANA

Isang buwan na ang lumipas pagkatapos noong isinali ako ni Miss Eva sa Heatist. Mas napalapit ako sa kanila at marami akong natutunan. Ngayon, tatlong araw bago magsimula ang Sports Festival ay inatasan kaming ayusin ang stage para sa opening remarks. Ayun lang ang gagawin namin kaya medyo madali lang.

"Girl, paabot nung gunting."

"Pa-adjust pa ng konti, JM."

"Andrew, hindi naman ganyan. Akin na nga!"

"Is it okay now, Jaq?"

"Excuse me, Shiana!"

"Edison, not that! The other one!"

"Eh hindi ba sabi mo mas okay 'tong kulay kasi mas festive tingnan?"

Maingay kami ngayon sa stage, lahat kami may nakatokang gawain. Halimbawa nalang si Andrew at Jaz na inaayos ang whole design para sa stage. Sina JM at Jaq naman sa pag-aayos ng simple decoration sa ibang parte. Naggu-gupit naman kami ni Kae at Edison ng mga gagamitin na ibang designs. Si Rany naman inaayos yung kurtina sa likod.

"Guys, wait up." Napatigil kami sa kanya kanya naming ginagawa ng biglang dumating ang adviser ng Heartist. "May mga nag-volunteer na tumulong sa inyo. I guess Ms. Lee already know them." Sabi nito kaya napakunot ang noo ko. May sinenyasan sya sa likod at bumulaga sakin sina Gale, Apreal at Jack.

"Shiana! We'll help you!" Bungad ni Apreal at niyakap ako.

"Huy, bakit kayo nandito? Eh diba may klase?" Tanong ko sa kanila.

"Cancelled na ang klase natin. Wala naman kaming magawa kaya tutulong nalang kami dito!" Sabi pa nya at pumuntang harap. Tumabi naman sakin si Gale.

"Kahit naman hindi ma-cancelled ang klase pupunta 'yan dito eh, naiinis na raw sya kasi lagi mong kasama yung clubmates mo." Bulong sakin ni Gale at natawa nalang.

"Wait ha." Sabi ko sa kanila at nagpunta kila Andrew. "Pwede ba silang tumulong?"

Hindi pa man nakakasagot si Andrew ay sumabat na si Rany. "O-oo! Pwedeng pwede! Ako na bahala kay Miss Ap- Apreal lang pala." Nahihiyang sabi nito. Tiningnan ko naman sya ng nagtataka.

"Girl, crush nya si Apreal. Since sopho- hmmmmm!" Sabi sakin ni Kae pero hindi nya naituloy dahil tinakpan ni Rany ang bibig nito pero huli naman na dahil narinig ko na.

Tinignan ko sya ng mapang-asar. "Ikaw ha, may gusto ka pala sa best friend ko. Pero sorry, may Brandon na 'yan eh." Sabi ko. Nakita ko namang sumimangot sya kaya natawa nalang kami.

Pumayag sina Andrew at Jaz na tumulong yung tatlo basta raw hindi manggugulo. Ngayon, may kanya kanya rin kaming toka katulad ng kanina. Pumunta ko ng gilid para sana uminom pero aksidente akong natabig ni Kae.

"Oh my gosh, girl! Pasensya na! T-teka eto. Shiana, sorry!" Kinakabahan na sabi nya habang pinupunasan ang dibdib ko na nabasa.

"Hey, okay lang. Magpapalit nalang ako ng damit. Medyo malagkit narin dahil sa pawis eh." Kita ko naman ang guilt sa mukha nya. "Don't worry, Kae! It's fine, really." Tumango sya at nagpaalam na kong magpupunta ng locker room.

Habang papunta roon ay kita ko pa ang mga varsity players na nag-iikot sa grounds. Marami rin ang estudyanteng nakatambay sa students lounge. Habang naglalakad ay tinatakpan ko ang bahagi na natapunan, bumabakat kasi ang dibdib ko eh. Nang sa wakas ay makarating na ko sa locker room ay binuksan ko ang akin at kinuha ang extra shirt, pero pumukaw ng atensyon ko ang tatlong papel na nahulog. I'd never put a letter inside my locker.

Binuksan ko ang unang letter, it's kinda love letter so I immediately disposed it. Ang pangalawa at pangatlo ay halos nagkapareho ng design, kulay lang ang magkaiba. I flipped it and saw a name. Napalunok ako dahil sa nabasa ko, I felt the sweat on my palms and the pounding of my heart.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now