Mission 20: Hyper Gale

54 8 1
                                    

KLEO

Ilang linggo na ang lumipas pagkatapos ng exam. Kung titingnan mo ang tatoo sa pulso namin ay eight na ang nakalagay. Walong buwan na lang ang natitira para sa natitira naming mga misyon.

Kasalukuyan kaming nasa auditorium at hindi ko mapigilan na mainis. Why this guy keeps on following us?

"Ano kayang meron, ano? Bakit tayo pinatawag?" Tanong nya.

"I don't know." Sagot ni Shin. I smirked, my Shin is really a good girl. She never entertain that Andrew.

"Sungit mo talaga. Sige ah, alis nako. Kita kits nalang sa susunod." Tiningnan nya pa ko bago umalis pero tiningnan ko lang sya ng masama.

"Easy, bro. Kung nakakapatay ang tingin baka patay na si Andrew. Hehehe." Tiningnan ko rin ng masama si Jack dahil sa sinabi nya. Tss. "Joke lang eh."

Hindi ko na pinansin si Jack at tumingin kay Shin. Tinititigan ko sya ng mapalingon sya sakin, nagtataka syang nagtanong.

"What?"

"Wala." I said then turned my gazed in front.

Sobrang tagal mag-start ng assembly kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. She's just playing something on her phone, maybe she gets bored.

"Why do you keep on staring, Kleo?" She asked.

"Wala nga, assuming mo." Sabi ko. Inirapan nya lang ako kaya napangiti nalang ako.

"Ehem." Tumingin kaming lahat at nakita namin si Brandon na hawak ang mike. He's on stage.

"Nakakainis yang si kambal, tinatanong ko kung anong meron taps secret daw. Parang hindi kami wombmates ah." Bulalas ni Jack. Napailing nalang ako at nangiti.

"It's nice seeing you all here, Seniors! Before we start our assembly, kindly raise for our national anthem."

All senior raise and put our right hand on our chest. Napatingin ako sa gilid ng stage at dalawang lalaking naka-suite ang nakatayo. Mukhang bago lang sila, are they investors? Naupo na kami at muling nagsalita si Brandon.

"To formally start our assembly, let us call Miss Georgia for opening remarks." Umakyat ang principal at nagsalita. Hindi ako nakinig dahil nakatingin parin ako sa mga lalaki na iyon. Parang hindi maganda ang kutob ko rito.

"...let us welcome, the donors from Ellipse Company Corporation, Mr. Guererro and Mr. Ñiego!" Nagpalakpakan ang mga estudyante pero napansin kong hindi nakipalakpak si Shin at nakatingin lang sya sa harap na parang nag-iisip.

"What's wrong?" I asked. Tumingin sya sakin at umiling. "Talaga?" Tumango sya at ngumiti.

Natapos ang assembly at agad kaming umakyat sa mga kwarto namin. Agad na tumabi samin si Brandon na seryoso ang mukha.

"I really feel bad about that donors." Simula nya.

"Ha? Bakit naman?" Tanong ng kakambal nya.

"Ewan ko. Basta hindi maganda ang tingin ko sa mga 'yan. Besides, why our school needs donations? Lahat ng board members ay mayayaman, hindi nila kailangan ng donations mula sa ibang kumpanya."

"Baka para makatipid?" Sabi ni Jack.

"I don't know. Maybe?"

"May narinig ka bang hindi maganda sa kanila?" I asked. Nag-isip sya sandali at umiling. "Don't think about it. Baka kung anong conclusions pa ang mabuo sa utak mo, you're being paranoid."

"Tama ka, nabigla siguro ako sa pagpasok ng Ellipse."

Nagpatuloy ang klase namin sa calculus ng biglang mahimatay ang isa naming kaklase. Lahat kami ay nagulat kaya naman walang nakagalaw.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now