Mission 34: Detention

57 3 1
                                    

SHIANA

Wala akong nadatnan na tao sa bahay pagkarating ko. It's pass 8 P.M. pero hindi pa sila umuuwi, lalo na si Shaira. Wala sa sarili akong naglakad paakyat sa kwarto ko at binagsak ang sarili sa kama. How I love to be just here.

I decided to leave a message to my sister.

"Shaira, where are you?" Simpleng mensahe lang dahil baka hindi nya ko replyan kapag mahaba.

"Makapagbihis na nga." Bulong ko sa sarili at hinubad ang mga unipormeng suot at nagpunta ng banyo.

Binuksan ko ang shower at agad kong naramdaman ang patak ng bawat butil ng tubig sa ulo at katawan ko. Mabilis akong naglinis ng katawan at nagshampoo saka nagbanlaw. Ayokong magtagal dahil baka magkasakit ako, hindi 'yun pwede dahil may misyon pa kaming kailangan gawin. Nagtapis ako ng twalya sa katawan at saka lumabas ng pinto pero..

"AAAAAHHHHHHH!!!" Sigaw ko habang nanlalaki ang mata at halos mataranta na, balak ko na sanang tumalikod pero bigla syang humarap kaya natalisod ako sa table. "A-aray naman!" Putek!

"Bakit ka sumisigaw? May problema ba?" Malumanay at inosenteng tanong nito. Tumayo ako habang nakatakip pa ang twalya sa katawan ko, buti nalang hindi nahulog! Nakakahiya kapag nagkataon! Ano ba 'yan!

"A-angelica! Hindi ka ba marunong magsabing dadating ka?! Kinabahan ako sayo!" Oo, tama. Ang literal na anghel ang nasa harapan ko.

Gumuhit ang ngiti sa labi nya at tumingin sa bintana. Ano bang meron dun? Nakatingin din sya kanina doon eh.

"Nagulat pala kita, pasensya na. Gusto lang sana kitang makausap." Seryosong sabi nito kaya napaayos ako ng tayo. Mukhang mahalaga yung sasabihin niya.

"Ganoon ba? Sandali, magbibihis lang ako-"

"Hindi ako pwedeng magtagal dito, Shiana." Napatigil ako sa pagkuha ng damit sa closet at nilingon sya.

"O-okay." Lumapit ako sa kama at naupo. Nanatili lang syang nakatayo sa harap ko habang nakatingin sakin ng diretso. Nakakakaba naman 'to.

"Sa oras na magawa nyo ang misyon na ito, tatakbo ang oras." Napatitig ako sa kanya ng sabihin nya 'yun. Ano raw? Tatakbo? May nagawa ba kaming hindi tama?

"H-huh? Pero, Angelica. P-paano? Hindi ko maintindihan." Naguguluhan na sabi ko sa kanya.

"Hindi ako ang makakasagot ng tanong mo na 'yan, Shiana. Oras na, aalis na ako."

"Sandali- hays!" Bago ko pa man siya mapigilan ay naglaho na sya.

Napatitig ako sa full length mirror na nasa harap ko. Inisip ko kung anong maling nagawa namin habang ginagawa ang bawat misyon pero walang pumapasok na ideya sa utak ko. Sinipat ko rin ang tattoo sa wrist namin, umusad naman sya. Anong mali doon? Ano ba naman 'yan! Ang dami ko na ngang iniisip, dadagdag pa ito!

Nagpasya kong magpalit na muna ng damit bago isipin ang mga bagay na 'yun. Alam kong dapat inuuna kong mag-research tungkol sa Ellipse Company pero siguro mamaya na 'yun. Bakit naman kasi nagkapatong patong ang problem ko tungkol sa bagay na 'to? Hindi ba pwedeng time out muna kahit isang araw? Feeling ko masisira na ang ulo ko dahil dito.

"I'll list it down." Bulong ko sa sarili ko at kumuha ng maliit na notebook.

Dito ko ilalagay ang mga bagay na daat kong pagtuunan ng pansin bukod sa academics. Sandali, anong date ba ngayon? I looked at the calendar and saw it was October 25. Hala, ang bilis na pala ng panahon? Anyways, isinulat ko ito sa kanang bahagi ng papel.

October 25, 2018

First. The obsessed girl.
Second. The missing medicines.
Third. What went wrong on the previous missions?
Fourth. Ellipse Company.
Fifth. The trust no one dream I had recently.
Sixth.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now