Mission 39: Eris Marizza

46 5 1
                                    

SHIANA

"Hello, new classmates. I'm Eris. Funny that shock is written in all of your faces, hindi na bago. I will tell you a little obvious trivia about us. We are twins. I am Eris Marizza, the twin sister of Evanna Gale Olivandre."

Agad syang umupo sa binigay na pwesto sa kanya ng adviser namin. Nagkatinginan kami ni Apreal at halata sa mukha nyang gusto nyang pumunta sa tabi ko pero bawal. Muli akong napatingin kay Gale na nakayuko at pinaglalaruan ang pen nya. It seems like she don't have any idea about this.

Muling bumalik ng ingay sa klase, nang makaalis na ang adviser namin ay lumapit ang isa naming kaklase sa transferee- kay Eris Marizza.

"Hi. I'm Adolf."

Pakilala nito at inilahad ang kamay kay Eris Marizza pero tiningnan lamang siya nito mula ulo hanggang paa at hindi na pinansin. I feel sorry for Adolf, he tried his best to communicate with her but she just ignored him. Siya pa naman ang pinaka-friendly sa buong klase.

Dahil sa nakita ng buong klase ang nangyari, wala ng nagtangka pang lumapit sa kaniya. Mukha namang wala syang pakialam dahil nanatili lang sya sa kinauupuan nya. Tumingin ako sa likod at nagtama ang mata namin ni Gale, nginitian nya lang ako. Dahil sa kuryosidad, hindi ko na napigilang pumunta sa tabi nya.

"I know you are gonna ask about my sister." Natatawang sabi niya sa akin.

"Yeah, hehehe. We're not informed that you have a sister, a twin sister to be exact." Nagpakawala rin ako ng isang tawa- pekeng tawa pala.

"It's a long story to be told you know." Tumango na lang ako at sabay kaming tumingin sa likod ng kambal nya.

"You are really alike. Kung hindi ko kilala ang isa iisipin kong yung kakambal nya ay siya pa rin."

"Sabi rin nila."

Katahimikan na naman ang bumalot sa amin. Pinagmamasdan lang namin pareho ang likod ni Eris Marriza. Gusto ko sanang pumunta sa kanya para magpakilala pero baka gawin niya rin sa akin yung kay Adolf. I got this feeling na hindi kami magkakasundo, feeling ko rin aayawan ni Apreal ang ugali nyang iyon.

"To be honest, Shiana. I did not know she will enrolled herself here." Napatingin ako kay Gale na nagtataka.

"Huh? Hindi sinabi sa 'yo ng kambal mo?"

Umiling sya bago sumagot. "Oo, hindi niya sinabi. Hindi ko rin alam kung bakit ginusto nyang pumasok ngayon samantalang dati hindi siya lumalabas ng bahay. She hates people mostly crowd. Mailap sya."

"Maybe she want some social life and changes?" Nag-aalangan na sagot ko dahil ayun ang unang pumasoo sa utak ko. Ayoko rin na mag-isip ng kung ano si Gale na maaaring magpaiyak na naman sa kanya.

"Maybe."

Hinihintay ko siyang tumayo para puntahan yung kapatid nya at kausapin pero nanatili lang siya sa pwesto nya at pinagmamasdan si Eris Marizza.

"Hindi mo sya pupuntahan o kakausapin?" I asked.

"Hindi. Siguro sa bahay na lang." Sagot nya at binuklat na ang fiction book nya. Nagkibit balikat na lamang ako at bumalik na sa pwesto ko.

Agad nagbalikan sa pwesto ang lahat ng dumating ang subject teacher namin sa social science. Kinuha nya ang index cards at mukhang may surprise recitation ngayon. Tsk, I hate this. Baka hindi na naman ako makasagot dahil wala akong na-review, zero na naman ako pagkatapos.

"Miss Olivandre."

Kita ko ang mabilis na pagtayo ni Eris Marizza mula sa kinauupuan niya, mukhang nagtaka ang instructor dahil dalawa ang tumayo pero agad na rumehistro sa kaniyang mukha ang isang ngiti.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now