Mission 45: Resolution

48 5 1
                                    

KLEO

Humigpit ang hawak ko sa bote ng alak na iniinom ko dahil sa inis. Maingay ang paligid dito sa bar pero hindi ko manlang magawang ituon ang pansin ko sa pag-inom at sa tugtog. Wala rin kwentang nagpunta ako rito. Sinulyapan ko ang boteng hawak ko at kaunti nalang pala ang laman. I better go home, marami pa kaming aayusin kinabukasan.

Umalis ako sa stool bar pero napatigil ako dahil sa babaeng nasa harap ko. I scan her face.

"What are you doing here, Mariz?"

"Watching over you. Want some company?" She asked.

Umiling ako. Ayokong makasama siya dahil baka makarating pa ito kay- nevermind.

"No thanks. I thought you're still in hospital?"

She chuckled. "Well, ayoko na roon. Kinukulong lang nila ako. Ikaw... what brought you here?" Dahan dahan siyang lumapit sa akin at isinandal ang katawan niya sa akin.

Agad akong lumayo sa kaniya at inilingan siya. "Stop what you are doing, I'm drunk."

"Don't be silly! Ano naman? Mas gusto ko nga 'yun dahil iuuwi kita sa bahay-" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at pinutol na ang sasabihin niya. Masyado siyang madaldal at kung ano ano na ang sinasabi niya.

"Tigilan mo nga, Mariz. Tatawagan ko ang kapatid mo para sunduin ka."

Tumalikod ako at sinimulang tawagan si Gale pero hindi siya sumasagot sa tawag ko. Nag-compose nalang ako ng message tungkol sa kapatid niyang tumakas. Binalingan ko siya ulit ng tingin at nakapalumbaba ito habang nakatitig sa akin.

"Mariz, you should go home."

"Can you give me a ride?" Binigyan niya ko ng matamis na ngiti.

Gusto ko sana siyang tanggihan kaso lasing na siya at baka mapahamak pa. Konsensya ko pa kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang. Naramdaman kong kumapit siya sa braso ko kaya tinanggal ko ito.

"Mariz."

"Okay, fine. Let's go."

Hindi ako nagsalita pagkasakay ko ng kotse, I was about to start the engine when I felt her hand crawling on my thigh. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at marahas na inalis ito sa hita ko.

"Stop it, Mariz!" Hindi ko na napigilan na sigawan siya.

"Bakit ba? Ayaw mo ba?!" Sigaw niya pabalik sa akin.

Gulat ko siyang tiningnan at nagtaka. "What? Anong klaseng tanong 'yan? Nakikita mo ba kung anong ginagawa mo?"

"Oo!" Sigaw niya at marahas na ginulo ang sariling buhok. "Can't you see that I love you? Ano ba naman 'yan Kleo!"

"Tigilan mo na 'yang kahibangan mo, you are drunk." Diin kong sabi.

"Bulag ka ba?! Bakit ba 'yang si Shiana pa rin ang gusto mo?! Ano bang meron sa kaniya na wala ako at pinipilit mo ang sarili mo sa kaniya?! You can have me all you want! I can give you everything, anything.. Just love me, please..." Pumatak ang luha sa mata niya at sinabunutan na naman ang sarili niya. "Why can't I have you! Ginawa ko na ang lahat! Why can't you love me?! Tell me!" Sigaw niya sa akin habang umiiyak.

"Mariz. Stop this. I'll bring you home."

Hindi ko na siya pinansin kahit panay ang pagsigaw at pagwawala niya, magmaneho na lang ako. Iuuwi ko na lang siya sa kanila dahil siguradong si Gale lang naman ang kayang magpakalma sa kaniya. Saktong may kasambahay sa labas nila kaya sa kaniya ko hinabilin si Mariz. Agad akong umalis at umuwi ng bahay. Napaisip ako sa pinagsasabi niya kanina.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now