Mission 27: Fell Hard

63 5 1
                                    

SHIANA

"Let's welcome! SFAns Soccer Team!"

Pagkarinig ko palang na sinabi iyon ng emcee ay tumayo na ko at lumabas ng gymnasium. Sinalubong ako ng sinag ng araw at mainit init na simoy ng hangin. I closed my eyes and embrace its warmth that hugs me.

"You're really acting weird." Napadilat ako at napalingon kay War na nagsalita. Tinaasan ko sya ng kilay dahil napapadalas ang pagdalaw nya rito sa campus.

"What are you doing here?"

"Checking if my little girlfriend is crying again?" I rolled my eyes on him.

"Shut it, War. Baka mamaya marinig ka nila Apreal." He just shrugged and follow me.

"You really sure you're fine?" He asked over a hundred times again.

"Yes." And I answered over a hundred times again.

Nanahimik kaming dalawa habang pinapanood ang mga estudyante na pakalat kalat sa daan. Ang iba ay may mga kasama katulad ng mga kaibigan at kasintahan, may iba rin naman na mas piniling mapag-isa.

"Does your schoolmates like sweets?" Napakunot naman ang noo ko at tumingin sa kanya. "Why? I saw limited hyperactive students on different spot here in your campus. I'm just curious."

Hindi ko na lang sya pinansin at tumayo. Pupunta na lang ako sa room namin, kokopya siguro ng ibang na-missed kong notes kay Gale. Nasa classroom lang naman namin 'yun, like me, hindi sya mahilig sa sports. Lumingon ako sa likod para tingnan kung nakasunod pa ba si War pero mukhang umalis na. Tingnan mo yung isa na 'yun, hindi man lang marunong magpaalam. Palapit na ko sa room ng may marinig akong sigaw. Anong nangyayari? Binilisan ko ang paglakad at binuksan ang pinto.

"-no!" It's Gale, nakatalikod sya sakin at may kausap sa telepono. Paikot ikot sya sa likod at kita ko ang nakakuyom nyang palad. "Stop it!" Nakita kong in-off nya ang phone ay humarap sakin, rumehistro ang gulat sa mukha nya. "S-shiana, kanina k-ka pa ba.. n-nandyan?" Kinakabahang tanong nya.

Umiling ako at lumapit sa kanya. "Nope, kakarating ko lang. Okay ka lang ba? Para kasing.." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil baka ma-offend sya.

Tiningnan nya ko at ngumiti. "W-wala 'yun. My sister, you know. Ano nga palang ginagawa mo rito?" Tanong nya at umiiwas ng tingin sakin.

"Magsusulat sana ko ng notes dito, pwede pa kopya?" I asked. Agad nya naman itong binigay at lumabas.

Lumipas na ang isang oras at sumasakit na rin ng kamay ko sa pagsusulat. Inilapag ko ang ballpen at nag-inat, napatigil naman ako bigla dahil sa pagkalabog at pagbukas ng pinto. Tumambad sakin ang mukha ng kaklase ko. Agad syang pumunta sa pwesto ko.

"Okay ka lang?" Tanong ko dahil pawis na pawis ito at mukhang tumakbo sa initan.

"Oo.. okay... lang ako... Ikaw.. S-shiana, kailangan mong.. pumunta sa.. field ngayon!" Humihingal na sabi nito.

Nagtaka naman ako. "Bakit?"

"Basta. It's a hurry!" Sabi nito at pinatayo ako. Wala na kong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

Rinig ko ang maingay na sigawan mula sa first floor ng building namin, hindi ito sigawan ng mga cheers o ano. Para bang may nag-aaway. Nagsimula na kong kabahan. Iniwan ko na ang kaklase ko at naunang pumunta sa field, hindi pa man ako nakakarating doon ay nakita na ko ng ibang estudyante.

"Ayan na si Lee!"

"Give way!"

Nagtaka naman ako sa inasal nila, mukhanh yung nasa likod lang ang nakakita sakin kaya sila lang ang gumilid. Sumiksik ako sa mga estudyante na nasa harap. Unti unting lumalakas ang sigawan at para bang may.. nagsusuntukan?

A Mission With The Popular (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora