Mission 11: Amour

76 10 1
                                    

SHIANA

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay ay naririnig ko na ang sigaw ni Mama. Mukhang ito yung sinasabi ni Kleo na kailangan kong harapin mag-isa.

Masakit man magpatuloy papasok sa loob ay hindi ako pwedeng umatras. Bawat sigaw na naririnig ko ay parang kutsilyo na tumatarak sa puso ko, hindi ako ang sinasabihan ng masasakit na salita pero ramdam ko ang sakit ni Dad na syang sinasabihan ni Mama.

"How could you do this, Sheldon?!"

Nakita kong nakatingin ang kapatid ko sa second floor ng bahay na pinanggagalingan ng ingay. Dahan dahan akong lumapit sa gawi nya at nakatulala lang sya. I feel sorry for her, she's too young to experience this.

"You can't blame me, Felice. Puro ka trabaho, wala ka ng oras sa pamilya mo!"

Tahimik lang kaming nakatayo sa baba at dinadama ang pagpapalitan ng salita ng magulang namin. Nakarinig kami ng yabag at nakita namin si Dad na pababa, nakasunod sa kanya si Mama.

"Ako pa ang puro trabaho?! Nakakausap ko ang mga anak natin, hindi katulad mo na madaling araw na kung umuwi-!"

"I know I'm not a good and enough father but I did it for their future! I don't want them to experience pain in their life-!"

Napatigil sa pag-aaway sina Mama at Dad dahil sa biglang pagbato ni Shaira ng locket nya. I held her shoulder to stop her but she don't care, she's not crying but I know it breaks her seeing our parents in this situation.

"S-shaira.." Bulong ni Mama at dahan dahang naglakad pababa. I can see clearly now how my Mama looks so devastated. Her hair that beautifully bun earlier is a mess now in her face. Gusot gusot na rin ang dress na suot nya.

"No. Don't come near me." Napahinto sa paglalakad si Mama at tahimik namang nakayuko si Dad.

"Shaira, don't talk to them like that." I said. Alam kong nasasaktan sya pero hindi tama na ganunin nya ang magulang namin, lalo na si Mama.

Tuluyan ng bumaba si Dad at dumiretso ng upo sa sofa.

"Sit."

Naramdaman ko ang kamay ni Mama sa kamay ko, nang tumingin ako sa kanya ay tinanguan nya lang ako. Seeing my mom hurting like this because of my own dad breaks my heart into pieces. Ayoko sanang sumunod kay Dad pero dahil kay Mama ay wala akong magawa. I love my mother more than myself. I'll do anything to make her happy.

Tabi kami ni Shaira habang nakatayo lang si Mama sa gilid. Sa tingin ko alam ko na ang mangyayari. Hindi ako matalino ngunit hindi rin naman ako bulag para hindi malaman sa usapan nila ang nangyayari.

"My children, I don't want you to get hurt. As long as I can protect you from any ache-" Hindi pa man natatapos si Dad ay pinutol na sya ni Shaira.

"But you already did. You let us feel the pain that you made." Wala akong magawa dahil hindi ako kasing tapang nya, hindi ko kayang sagutin si Dad tulad ng ginawa nya ngayon.

"D-dad.." Ngayon ay ako naman ang naglakas loob na magsalita. Hindi pwede na makinig lang ako rito at pabayaan ang kapatid ko na masaktan lalo. "Just tell us the... truth."

"Shiana, pabayaan nyo na sa amin ito ng mama nyo."

"No, Dad. We have the rights to know the truth. Hindi lang ito tungkol sa inyo ni Mama, this is all about our family!"

Hindi ko alam na masasabi ko ang ganoong bagay sa harap ni Dad, habang binibitawan ko ang mga salita na iyon pakiramdam ko mapapagalitan ako pagkagising ko bukas. Narinig kong bumuntong hininga ang kapatid ko, napatingin ako sa gawi nya at isa sa mga bihirang pagkakataon ay nakitaan ko sya ng emosyon. Lungkot, takot at sakit ang makikitang emosyon sa mga mata nya. Kahit na nanginginig ay tinaas ko pa rin ang kaliwang kamay ko at ipinatong ito sa balikat nya. Kahit sa ganoong paraan manlang ay maramdaman nya na nandito ang ate nya para sa kanya, na hindi ko sya iiwan at pababayaan lalo na sa ganitong sitwasyon.

A Mission With The Popular (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن