Mission 30: Pikachu

56 6 1
                                    

KLEO

"Bro, ano bang meron sa inyo ni Shiana?"

Naglalakad kami papasok ng school ng tanungin 'yan ni Jack. I just shrugged. Nakita ko namang kumunot ang noo nya.

"Hindi mo alam?! Ano ka ba naman!" Tinanguan ko sya pagkatapos noon. "You're not courting her?" Umiling ako ng hindi tumitingin sa kanya.

"Aray ko! Punyeta ka!" Tiningnan ko sya ng masama dahil pagka-iling ko ay binatukan nya ko. "Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong ko.

"Usapang lalaki nga, may gusto ka ba kay Shiana? At sumagot ka, hindi puro tango at iling ka. Para kong kumakausap ng hangin."

"Fine. Eto na, nagsasalita na." Huminto ako sandali at tinapunan nya ko ng tingin na ano-na? "Oo na. Gusto ko sya, okay?" Narinig ko syang humiyaw ay kung ano anong sinabi pero iniwan ko na lang sya sa pwesto nya. I'm just curious why I befriend this guy in the first place.

Sa totoo lang, hindi naman mahirap magustuhan si Shin. She's an adorable and optimistic lady. Walang ka-effort effort nya kong napapangiti kahit sa mga simpleng bagay at lahat ng bagay binibigyan nya ng magandang kahulugan. She's so persistent and enthusiastic. She always say that she's not belong in section 1 but she's way better to be part of it, siguro nya hindi sya ganoon katalino katulad nung iba pero sobrang sipag naman nya. She have a bright smile that affects me so much.

Nakarating ako sa locker room at tumambad na naman sakin ang sandamakmak na sulat galing sa kung sino sino. I really don't mind their messages, I just want their presents. Like what I saw here, a bundle of my favorite chocolates. Hindi naman ako tulad ng iba na itatapon 'yun. It's either I will eat it, gave it to Jack or to anyone I see in side streets. Balak ko na sanang kunin ng biglang hablutin ni Jack at itakbo. Huli na ng makuha ko pa dahil nakaalis na sya. Palabas na ko nang makita ko ang isang sobre. I was about to throw it away but it catch my attention.

*Ringggggg!

Inilagay ko sa bulsa ang sobre dahil sa pagmamadali at tinakbo ang homeroom. We have an urgent meeting with our adviser, regarding sa huling araw ng sports festival na gaganapin ngayong araw.

"It's a must that you attend the last day of Sports Fest. Class Mayor, paikutin mo ang attendance sheet sa kanila. You will sign now and later pagkatapos ng closing ceremony kaya't malalaman ko kung sino ang talagang pumasok. Class dismissed!"

Pumirma muna kami ni Jack bago umalis ng room at mag-ikot ikot. Hindi pa namin nakikita yung apat kaya naman sa canteen muna kami dumiretso. Naunang naglalakad si Jack na dumiretso sa counter.

"Bro, pahiram ng limang piso!" Sigaw nya kaya naman napatingin ang ibang estudyante samin. He smiled joyfully at them. "Kleo!!!"

"Ito na." I said annoyingly. Dumukot ako sa bulsa ng limang piso ay hinagis sa kanya. I was about to take a step when someone pulled me.

"Hi!"

"Haley." I muttered. Medyo nagulat ako dahil bihira nalang kaming magkasalubong at hindi na nya ko kinukulit, a good thing for me anyways.

"Pwede makisabay?"

"Yup, why not."

Sinalubong namin si Jack na may hawak na tray. Kita ang gulat sa mukha nya dahil kasabay ko si Haley pero hindi nalang nya sinabi at binati nalang ang pinsan nya.

"Yow, couz! Gusto mong kumain?" Alok nito pero tinanggihan siya ni Haley at nanatiling tahimik.

"Can I join you guys?" She asked.

"Saan?" Tanong ng pinsan nya. Nanatili pa rin akong tahimik.

"Ngayong araw. I just want to come along with you." Sagot nya at tumingin sakin. Iniwas ko ang tingin ko dahil masyadong nakakailang.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now