Mission 31: Trust No One

60 6 1
                                    

SHIANA

Para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya nagising ako. Gising na ba ako? Bakit madilim at malamig? Biglang lumiwanag ang paligid at napaatras ako ng makita ang sarili kong nasa loob ng isang kwarto na puno ng mga salamin.

Napaatras ako at naramdaman kong may nabunggo ako, humarap ako at nakita ko si Gale.

"Gale!" Hinawakan ko sya sa braso at hahatakin na sana ng itulak nya ko kaya naman nasubsob ako sa sahig. Gulat akong tumingin sa kanya. "G-gale.."

Nginitian nya ko, yung ngiti nyang sincere at alam mong walang bahid ng sama. "Hello, Shiana." Tumigil sya at lumapit sakin. Inalok nya ang kamay nya pero tiningnan ko lang iyon. "Bakit? May problema ba?" Hindi ako sumagot.

"G-gale."

"Sshhh, magiging maayos din ang lahat. Magtiwala ka lang sakin." Tinitigan ko sya sa mata at nakita ko ang Gale na kaibigan ko, ang handa akong tulungan at bigyan ng payo sa lahat ng bagay. I released a deep sigh. Inabot ko ang kamay nya at tinulungan nya kong tumayo.

"Wrong move." Bulong nya, paglingon ko ay bumulaga sakin ang isang baril na hawak nya at nakatutok sakin.

"A-ano 'to? G-gale!"

"Trust no one."

Napapikit ako at hinintay ang pagkalabit nya ng gantsilyo ngunit wala akong narinig na putok ng baril at pagtama ng bala sa ulo ko. Unti unti kong dinilat ang mata ko at nakita ang sarili ko sa isang hindi pamilyar na lugar. Nilibot ko ang mata ko at puro mayayabong na puno, ilang upuan at isang falls ang nakita ko. Umupo ako at dinampi ang palad ko sa tubig galing sa talon, kita ko ang repleksyon ko mula roon. Nakasuot ako ng puting bestidang abot hanggang talampakan ang haba na may mga bulaklak na disensyo, nakalugay rin ang buhok ko at nakasuot ako ng tila ba isang flower crown. Tumayo ako at tinitigan ang paligid.

"Nasan ako?" Bulong ko sa sarili ko. Hahakbang na sana ako nang marinig kong may tumawag ng boses ko.

"Shiana!" It's Apreal! Hindi ako pwedeng magkamali!

"Apreal? Nasaan ka?!" Sigaw ko pabalik pero tanging huni lang ng mga ibon at lagaslas ng tubig mula sa talon ang maririnig.

"Shiana! T-tulong!" Nilingon ko ang talon at nakita si Apreal na halos malunod na. Nanlaki ang mata ko at wala sa sariling tinalon ang tubig. "T-tulong! Help m-me!" Ilang langoy pa ay naabot ko na ang kamay niya. "S-shiana! Thank you! Thank you!"

Umahon kami sa tubig at sabay na napahiga. Tiningnan ko sya pero nagulat ako ng nawala sya sa pwesto nya.

"A-apreal?" Kinakabahang tawag ko sa kanya. "N-nasan ka? Sumagot ka!" Umaakyat na ang kaba sa dibdib ko dahil bigla syang mawala. Tiningnan kong muli ang talon pero payapa ito at walang bakas na may nalulunod.

"Shiana." Napalingon ako ay nakita syang tuyong tuyo. Nanlaki ang mata ko at tinitigan sya. Paano..

"A-ano bang nangyayari?" Pero hindi nya sinagot ang tanong ko at dahan dahang lumapit sa pwesto ko. Napaatras ako dahil hindi sya si Apreal na kaibigan ko, mali- hindi talaga sya si Apreal. "Nasaan ang kaibigan ko?!"

Tumawa sya. Tawa na para bang nababaliw na babae. Napatakip ako sa tainga ko dahil paulit ulit at nag-e-echo ito. Napapikit ako dahil ang sakit nya sa ulo.

"Hahahahaha!"

"Tama na!" Pero mas lumakas at tumindi pa ito.

"Hahahahahahahaha!"

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now