Mission 16: Acquaintance Party /1/

63 9 2
                                    

SHIANA

Dumating na ng araw ng Acquaintance Party at salamat sa Diyos dahil si Mama na ang nag-asikaso sa akin. Hindi ko rin ipinaalam ang nangyari noong nakaraang araw dahil masyado na silang madaming iniisip. Ayoko na dumagdag pa sa alalahanin nila.

"Shiana, don't you have a partner?" My Dad asked. Umiling na lang ako. Hindi na ko umaasa na makakakuha ako ng incentives dahil sa date na 'yan dahil wala naman ako nun.

"Don't drink too much alcohol, okay?" Dagdag pa nito. Nandito sya ngayon sa room ko, nandito rin si Mama na syang nag-aayos sakin.

It feels so strange knowing that my father is so concern about me these days. Kapag naman ganitong okasyon sa school, hindi sya gaanong nagtatanong at pinapabayaan nya lang kami. Siguro bumabawi sya ngayon.

"Okay, I'll be back. Mag-aayos na ko." Sabi nya at tuluyan ng umalis. Sya kasi ang maghahatid sakin papuntang school, gusto raw nyang makita na maayos akong makakarating sa venue.

"Shiana, remember what we said, okay?"

"Yes, Ma." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Simpleng ayos lang ang ginawa nya sakin dahil baka pagpawisan daw ako at masira pa ang make up ko. Ginaya rin nya ang ayos ng buhok ni Hermione Granger kaya naman medyo wavy ang buhok ko ngayon, wala rin akong salamin at naka-contact lense lang ako.

"Oh, ayun na ng Dad mo. Wait, bakit hindi ka nakaayos?" Nagtatakang tanong ni Mama, sumulyap din ako at hindi pa nga nag-aayos si Dad.

"Your daughter said that she don't have a partner, are you telling the truth?" Tuon nya sakin. Nagtaka naman ako.

"Yes, Dad." Diretsong sagot ko.

"Kung ganoon, bakit may binata na naghihintay sayo sa labas at sinasabing sya raw ang partner mo?" Pati si Mama ay napatingin sa akin.

No choice ako kung hindi labasin ang taong iyon, nakita ko ang isang itim na Mercedes Benz na nakaparada sa labas. Wala naman akong kilala na nagmamay-ari ng ganyang sasakyan. Nakita kong bumukas ang pinto ng driver's seat at lumabas ang isang lalaki na naka-Gryffindor robe ang lumabas ng kotse. Kapareha nito ang suot kong Ravenclaw robe, magkaiba lang ang neck tie dahil asul ang akin at pula naman sa kanya. Halata rin ang kidlat na drawing sa may noo nya. Wow, akala nya talaga siya si Harry Potter, ha?

"Hey, hindi mo ba alam na ikaw ang partner ko ngayon?" Kunot noong tanong nya.

"What? Wala akong partner!" Agad kong sabi, narinig ko namang natawa sa likod ko si Mama. "Ma, seryoso. Wala namang nag-aya sakin eh."

"Magandang hapon po, Mrs. Lee. Susunduin ko na po sana si Shiana." Magalang na sabi nito at nagmano pa kay Mama. Wow, marunong pala sya nun?

"Hindi pwede, si Dad ang maghahatid sakin. Right, Dad?"

"Actually my child, nagpaalam na sakin si Kleo. I gave him my permission to be your date." Napanganga ako dahil sa sinabi ni Dad, tumingin ako kay Mama para sana manghingi ng tulong pero sumang-ayon lang sya sa sinabi ni Dad.

"If your dad trusted this guy, then I trust him also. Pwede na kayong umalis. Here, Shiana. Enjoy!"

"But-!" Agad na sinara ni Dad ang pinto kaya naman wala nakong nagawa. Humarap ako sa kanya at inirapan sya. "Tara na nga!"

"Init ng ulo mo." Natatawang sabi nito. "Bakit ba kasi hindi mo alam na ikaw ang date ko? Your friends and mine date each others. Hindi pala sauo malinaw 'yun, kailangan pa yayain ka eh." Paliwanag nya.

"Ang alam ko kasing date mo, si Haley."

"What? Bakit ko naman magiging date 'yun?" Hindi makapaniwala na sabi nya sakin.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang