Mission 37: There is something

48 4 1
                                    

SHIANA

"S-shiana! What are y-you doing here?" Nanlaki ang mata niya at napatayo pa.

Tiningnan ko ang bakanteng upuan sa harap niya na may isang kape. May kasama ba siya? Dito ba siya nagpunta noong hindi na siya pumasok? Pero iba ang damit niya, hindi na siya naka-uniform.

"Can I have this seat?" I asked, ignoring her questioned look. Pero hindi pa siya sumasagot ng umupo na ako.

Tahimik lang kaming dalawa. Gusto ko sanang magtanong pero baka magalit na naman siya katulad kanina. Palihim ko siyang tiningnan habang nagbabasa siya ng libro. Hindi ko maiwasan na magtaka dahil ibang iba ang aura niya ngayon kumpara kanina, para bang bumalik na siya sa normal na siya. Yung tahimik lang sa gilid at puro basa ng fiction books, hindi yung mainitin ang ulo at masakit magsalita. Ano bang tinatago mo, Gale?

"Shiana. Bakit mo ko tinititigan?"

Napaiwas ako ng tangin ng tanungin niya 'yun. You are so obvious, Shiana!

"W-wala. Napatingin lang ako sayo." Mukha namang naniwala siya kaya tumango na lang siya at ngumiti. "Gale."

"Hmmm?"

"Anong oras ka nakauwi?"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para tanungin 'yun. Maybe i'm too curious, hindi pa rin kasi ako makapaniwala na maayos na siya kausap. Basta. Napatigil siya sa pagsimsim ng kape at napatitig dito.

"K-kakauwi ko lang. W-why?"

Hindi ko alam kung napansin ba niyang kumunot ang noo ko dahil sa sagot na narinig ko mula sa kaniya. Paanong ngayon lang siya nakauwi samantalang kanina pa siya wala sa school?

"Why you went here? Malayo 'to sa inyo ah? I also noticed it has a cup of coffee here, mukhang malamig na. Are you meeting someone?" Usisa ko.

"Actually- that's.. that's mine." She answered referring to cold cup of coffee on side. "Nakalimutan ko lang.. i-inumin."

"Ahh. Ganoon ba?"

"Yeah."

Nakakailang na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. I know it's weird trapping your friend cause you want to answer your hanging questions within yourself. Napatingin ako sa kanya, napansin kong kanina pa siya tingin nang tingin sa phone niya na parang may inaabangan. Hindi ko na napigilan at nagtanong na ko.

"Gale, okay ka lang ba?" Bigla niyang naibaba ang phone niya at tumingin sa akin.

"Yes. I'm fine."

Tumayo ako at napatingin siya sakin. "Tara. Labas tayo."

"Huh?" Hindi ko na siya pinagsalita pa at kinuha na lang ang bag niya sa tabi niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo na rin. "Wait, Shiana! Miss, ito yung bayad. Shiana!"

Tumakbo ako palabas at nakita kong nakasunod na siya. Mas mabilis akong tumakbo sa kaniya kaya naman mas binilisan ko pa. Tinungo ko ang daan papunta sa park, naupo ako sa isa sa mga benches. Natanaw ko siyang patakbong lumalapit sa gawi ko at maya maya ay tuluyan na siyang nakaupo sa tabi ko. I secretly smiled ng makitang hindi siya galit o inis.

"Grabe ka. Hindi mo manlang ako hinintay, alam mo namang mabagal ako tumakbo eh."

"Sorry na. Baka kasi hindi ka sumama eh."

"Bakit naman hindi?"

"Alam mo na.. kanina. Galit ka kaya sakin kaya gusto kong magkabati tayo-" Hindi pa ko natatapos ng bigla niya kong putulin.

"Galit?" Tila ba nagtatakang tanong niya.

"Oo. Di ba nga? Sabi mo pa.. pakialamera ako. But, don't worry! I'm not mad! Siguro nagtatampo ng kaunti pero hwag mo na pansinin. Ang importante ngayon, okay na tayo. Right?" Wika ko sabay ngiti sa kaniya. Isang ngiti rin naman ang isinagot niya sakin.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz