Mission 2: The Mission

232 14 3
                                    

SHIANA

Halos makalimutan kong huminga ng mabangga ako sa hindi inaasahan na tao. It's him. Kleo Fernandez. Bukod sa isa sya sa heartthrob ng academy at campus king ay siya rin ang nakatakdang makatutulong ko sa misyon.

Kanina ko pa sya hinahanap para makumpirma kung sya nga ba talaga. Pero mukhang hindi ako nagkamali, tingin pa lang nya alam ko na ang iniisip nya. Ang misyon na kailangan namin gawin.

"So. What's up with us?" Kalmadong tanong nya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin at nag-isip. I don't know either what to do. Napabuntong hininga ko at tiningnan sya sa mata.

"Do you remember anything? Do you experience weird things?" I asked him.

"Yes. I actually search you to ask about this."

Bago pa ko makasagot ay may grupo ng mga junior high school ang dumaan sa gilid at tinawag siya. Pero di nya 'yun pinansin, halata din ang pagkairita sa hitsura nya dahil dito. Hinawakan nya ang braso ko at marahan na hinatak.

"We should talk about this in a private place. Hindi rito, baka may makarinig." Tumango ako dahil masyadong seryoso ang mukha nya.

Si Kleo ang isa sa pinakasikat na estudyante rito sa academy. Hindi lang ang hitsura nya ang panghatak kung hindi ang utak nya. Sa pagkakaalam ko, sya ang pambato ng Accountancy department sa halos lahat ng contest. Mapa-academics, pageant or extra curricular ay kasali sya. Kasama rin sya sa honor noong junior high school kami.

Napatingin ako sa sarili ko habang hinahatak nya ko kung saan. Ako, si Shiana Felicity, hinahatak ng isa sa mga sikat na estudyante sa academy. Kung makikita kami ng mga fans nya baka hindi na ko makalabas sa academy. A mere fact about me, I'm not a talented girl. I'm just an average girl who don't exceed in class. Most of the time, I got bullied because of my performances in school. Sinasabi nilang hindi ko deserve ang mapunta sa class A dahil hindi naman ako matalino at tahimik lang ako.

Hindi ko nga alam kung naaalala ba ko nila Kleo at ng mga kaibigan nya eh. We were classmates since grade 8 to grade 10. Pero ni isang beses ay hindi nila ko kinausap, or let's say ay napansin. Well, okay lang naman sakin 'yun kasi nasanay nako. Konti lang naman nakakapansin sakin sa room, kapag sinabi kong konti ay wala pa sa sampu.

"I think this place is fine. Nasan na ba tayo?"

"Hmmm, about dun sa dream." Sagot ko.

"Yes, oo nga. Can you tell me about your dream? Baka magkaiba yung sa atin. Baka coincidence lang ito at hindi talaga totoo."

Halata sa boses nya na hindi pa sya naniniwala tungkol sa misyon na binigay nung anghel. Agad kong kinuwento sa kanya kung ano ang akin at ganoon naman sya. Pareho lang kami ng napanaginipan, lahat pareho. Ngunit may isang bagay kaming hindi maintindihan.

"Pero bakit tayo bumalik sa nakaraan?"

Sya man din ay hindi alam ang isasagot. Nakita kong binrush nga ang mga daliri nya sa kanyang buhok, a mannerism of him whenever he's upset or stress in something.

Ako kaya, kilala nya kaya ako? Pumikit ako at inalis sa isipan ko ang bagay na yun. Hindi importante ang mga ganoong bagay sa oras na 'to.

"Maybe, we have to change something. Kaya tayo nandito."

"May naaalala ka ba? Sa mangyayari. Kasi ako, pagkagising ko alam ko na agad ang mangyayari." Napatingin sya sakin at tila nag-iisip.

"Yes. Kanina, alam ko na agad ang section, floor and building ko."

Nakaupo na kami dito sa may grass field sa likod ng grade school building. Mabuti na lang at may lugar syang nalaman na pwede naming tambayan para pag-usapan ang bagay na 'to. It's difficult on what I've expected. Maraming missing parts, hindi ko maintindihan. Hindi namin maintindihan.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now