Mission 47: Happy Birthday

67 5 1
                                    

KLEO

"Kumusta diyan, Brandon?"

"Set na bro."

"Yung foods? Lights? Hindi naman ba masyadong mahangin para masira?"

"No, ayos lang. Naayos na namin at hindi 'yun masisira, don't worry bro."

"Hoy, Kleo! Huwag ka ngang mag-alala masyado rito! Umayos ka diyan!"

"Yes! Jack is right! Shiana is mad at you right? Kaya dalhin mo siya rito agad."

"Ingat kayong dalawa, huh?"

I sighed. They are right. Bakit nga ba kailangan kong mag-alala? Sila 'yun, nagawa nga nilang mag-imbestiga eh, maghanda pa kaya ng surprise birthday party?

"Okay, thanks guys. I owe this all to you. I'll hung up now."

Nagpaalam na sila bago ko patayin ang tawag.

Humarap ako sa salamin para tingnan ang hitsura ko. Is it fine if I wear pink tshirt and just shorts? Kailangan ko bang magpantalon pa o hindi na? Pero bakit nga ba ako magpapantalon eh sa beach ang punta namin.

"Kuya, you are so gwapo!"

Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Lacy na nakatayo roon kasama ang yaya niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Thank you baby. Tingin mo ba talaga gwapo na si kuya?" I asked her. Tumango naman agad siya.

Hindi na ako nagtagal at mabilis ng bumaba para sunduin siya. Today is November 8, one day before her birthday. Naalala ko tuloy nung nagtanong siya kung kailan ang birthday niya at hindi ako sumagot. Hindi naman talaga totoo na hindi ko naaalala eh, gusto ko lang gawin 'yon para tingnan ang magiging reaksyon niya. As expected, nagtampo siya.

Sa totoo lang medyo kinakabahan ako dahil baka hindi siya sumama sa akin, pero kasabwat ko naman ang magulang niya at si Shaira kaya naman kampante ako.

*Flashback*

"Beach? For three days?"

"Yes po, M-ma'am."

Napalunok ako at ngumiti ng alanganin sa mama ni Shiana. Hindi ko alam na sobrang nakakakaba pala ang pagkausap sa parents ng taong... gusto mo.

"Don't you know that ate hasn't even experience an overnight? Kahit kasama pa si ate Apreal."

I felt how my knees are trembling. Pakiramdam ko wala na kong pag-asa na mapapayag sila, sa mukha pa lang ng mama niya at sa sinabi ng kapatid niya. I think plan B is better... and possible.

"Bakit hindi natin ipa-experience kay Shiana ang ganiyan? This is her last year as a minor. Might as well give this to her."

Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ng tatay niya. He showed me an encouraging smile.

"T-thank you, Sir."

"Hindi porket pumayag si Sheldon ay papayag na rin ako, Kleo. And please, just call us Tita and Tito. Napaka-pormal ng Ma'am at Sir mo." Seryosong sabi ng mama niya pero mas naging light na ang atmosphere ngayon sa pagitan namin kumpara kanina.

"Sige po, Tita."

"Good. Okay. Take care of our daughter." Sabi nito.

Tumayo siya at akmang aalis na pero pinigilan ko siya. Hindi ko kasi maintindihan kung anong ibig sabihin nung huling sinabi niya.

"Tita, pumapayag na po kayong isama ko si Shiana?" Umaasang tanong ko.

Humarap siya sa akin at ngumiti.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now