Mission 43: Gut Feeling

53 4 1
                                    

SHIANA

Hindi na ulit kami natuloy na magpunta sa Ellipse Hospital dahil sa nangyari. After Gale told us the truth, we found her sister on her room laying unconsciously on her bed. Pangalawang araw na ngayon na nasa ospital si Mariz.

"Hindi ka ba magagalit sa kapatid mo?" Apreal asked her.

Napatigil sa pagsimsim ng kape si Gale at napatingin sa kaniya. "Why would I?"

She looked at her with disbelief. "Of course kasi nagpanggap siyang ikaw ng walang paalam! Didn't you remembered how she tied you up and gag you?"

Tahimik lang akong nanood sa kanila habang nag-uusap sila.

"Honestly, I am disappointed-" Gale, who's not yet finished on her words interrupted by Apreal.

"You are just disappointed?!" Napailing ako sa reaksyon niya, tiningnan lang siya ng seryoso ni Gale kaya nanahimik siya.

"Ayun nga, disappointed ako. But I cannot stand being mad at my twin. Mariz is my other half, she's my everything. I can do anything for her." Mahinahon niyang sabi at nginitian kami.

Inilapag ko ang sariling kape at napaisip. Siguro kung nasa posisyon din ako ni Gale ay ganoon din ang mararamdaman ko, hindi ako magagalit kay Shaira o sabihin na natin na hindi ko kayang magalit sa kaniya. Kahit na hindi kami close ay gagawin ko ang lahat para protektahan siya sa lahat ng bagay na magpapahamak sa kaniya. Kahit na kapalit pa nun ang kaligtasan ko.

"Hindi mo manlang siya papagalitan?" Again, it was Apreal. Hope is obvious on her tone. Gale just gave her a head shake. "Okay, fine."

"Galit ka ba sa kapatid ko?" Tanong sa kaniya nito.

Napaisip siya sandali at nilapag ang ice tea na kanina niya pa iniinom. Nakakadalawang kape na ako rito pero siya, wala pa sa kalahati ang inumin.

"Not really. Hindi ko lang talaga siya gusto, alam mo 'yun? Magkaiba kayong dalawa ng aura. Ikaw, sobrang light at magaan sa pakiramdam while her? Presensya pa lang niya, naiinis na ko." Inikot niya ang mata saka ulit nagsalita. "No offense, just telling the truth."

"Wala 'yun, halos lahat naman ganoon sa kaniya."

Natulala ako ng maalala ko ang marka sa batok ni Mariz noong isang araw. Sigurado akong ayun ang marka nung babae na sumugod sa amin ni Haley sa room 508. Idagdag mo pa na may nabanggit na pangalan si Gale noong nakaraan. Si Diana Flores.

Gumapang ang kaba sa dibdib ko dahil baka totoo ngang siya 'yun. Yung babaeng possessive pagdating kay Kleo, yung pinadalhan pa ko ng mga letters para pagbantaan. Madalas na silang magpalit ni Gale dati pa kaya baka ayun yung mga panahon na nakikita niya kong kasama si Kleo. Napakuyom ang palad ko dahil sa iniisip ko. That lady is making her way to steal my man. I wouldn't let her touch him again.

"Shiana, are you okay?" Napaangat ako ng tingin at sinalubong ang nagtataka nilang tingin.

I gulped then smiled. "Yup, perfectly fine."

Lumipas ang mga araw at mas naging madali ang misyon namin dahil na rin sa tulong ng barkada. The results are cleared enough, totoo ngang hindi ito dapat ilabas sa merkado dahil naglalabas ito ng sobra sobrang caffeine.

Apreal took the weekends by talking to her parents about the problem. Nung una ay ayaw nila maniwala pero nung nilahad namin sa kanila ang results ay maging sila ay nabahala. Nangako sila na gagawa sila ng paraan para mapatigil ito. Sa ngayon, kailangan din namin kumilos ng kami kami lang.

"Mas maraming testigo, mas maganda dahil maniniwala ang publiko kung ganoon." Sabi ko sa kanila.

Hindi namin mapilit si Mariz na maging witness o magbigay manlang ng statement para roon. Matagal na raw iyong nangyari kaya wala siyang pakialam. Hindi naman namin siya magawang pilitin dahil nasa ospital pa rin siya.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now