Mission 17: Acquaintance Party /2/

65 9 1
                                    

SHIANA

Kakaibang tingin ang ipinukol sa amin ni Kleo ng lahat pagkatapos ng sayaw. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang nakakahiya pala 'yun, pero kung sya naman ang titingnan mo parang wala lang sa kanya at hindi sya apektado. Nahagip ng mata kong nakatingin si Haley sa direksyon namin pero inirapan nya lang ako. Hanggang ngayon naaalala ko parin yung pagsisinungaling nya kay Ms. Eva, I couldn't find any reason why she did that.

"Guys, punta lang ako ng cr." Paalam ni Gale.

Pinagmasdan ko syang lumakad paalis hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Nahagip kong naglalakad papunta sa cr si Haley kaya naman tumayo ako at sinundan sya. I need to know her reasons. Hindi pwedeng sinabi nya lang 'yun dahil galit sya sakin o naiinis sya sa presensya ko. I have this gut feeling that she have her secrets. May alam sya, eh.

Bago ako makarating sa cr ay rinig ko na ang sigaw nya. Binilisan ko ang paglakad at naabutan ko siyang hawak ng mahigpit si Gale. Nag-init bigla ang ulo ko at pinuntahan si Gale, inalis naman ni Haley ang pagkakahawak nya at iritadong tumingin sa amin.

"What's your problem?! Pati ba naman si Gale, isasama mo sa mga kalokohan mo?!" Hindi makapagtimpi na sigaw ko pero hindi parin sya natinag.

"Wala kang alam kaya manahimik ka! You're too kind, nakakaawa ka." She said to me while having her smile.

Hindi ko pinansin ng sinabi nya at tinanong agad sya. "Bakit ka nagsinungaling kay Miss Eva? Bakit mo sinabi na may kinalaman ako kung bakit ka napunta doon? Why do you have to lie?"

Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Gale sa braso ko. Siguro ay nabigla sya sa pagsigaw at sa galit ng boses ko.

"I have my reasons, Shiana. Hindi mo na kailangang malaman 'yun." Akmang aalis na sya nang higitin ko ng braso nya at tingnan sya ng maigi. Nagpumilit syang alisin ito pero hindi ko sya binitawan.

"Hoping that your reasons will save you from hell." Sabi ko at saka binitawan ang braso nya.

"Bitch." She said then turned her back on us.

Napahawak ako sa sink sa tapat ko at napabuntong hininga. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Isang braso ang humawak sa balikat ko at nakita ko si Gale na nag-aalala. Medyo namumutla sya kaya naman napabalik ako sa wisyo.

"Are you okay? Anong ginawa nya sayo?" Nag-aalalang tanong ko.

"I-i'm fine. Don't worry. T-thank you at dumating ka. Akala ko kasing kung.. kung ano nang gagawin nya." Hindi ako agad naniwala dahil baka tinakot sya ni Haley na 'wag sabihin.

"Sigurado ka ba? You are pale."

"Shiana, I'm fine. 'Wag ka ng mag-alala." Then she smiled. Wala na kong nagawa dahil sa sinabi nya. Bumalik na kami sa table na parang walang nangyari.

Ilang minuto ang nakalipas nang tumigil ang banda sa pagtugtog at umakyat si Ms. Georgia sa stage. Ang kaninang maingay na ground at napalitan ng katahimikan. Ms. Georgia is known to be a strict principal, she don't want any noise when she's speaking.

"Good evening, students and staffs. Because it's already midnight, it's time to announce our new Night's Prince, Princess, King and Queen." She said while staffs are pushing the cart that full of sash, crowns and certificates.

"For the Night's Prince, Mr. Andrew Buenaventura!"

Nagsigawan ang grupo ng magkakaibigan sa likod namin at gulat na naglakad papunta sa harap ang isang lalaking nakasalamin. Hindi ko alam kung anong klase ng movie ang ginaya nya at kung sino ang character.

"There's no Prince if there's no Princess, so for our Night's Princess, Ms. Shiana Lee!" Nanlaki ang mata ko napatingin sa harap ng banggitin nila ang pangalan ko. Ano raw? Ako?

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now