Mission 36: Her Sudden Change

51 4 1
                                    

SHIANA

Nagtataka akong napatingin sa bahay ng makarinig ng ingay mula roon. Pagkababa ko ng sasakyan ay tumakbo ako papasok sa loob at naabutan ko sina Mama at Shaira na nasa sala. Nakatayo si Mama at mukhang pinapagalitan si Shaira. Lumapit ako sa kanila at mas naging malinaw sakin ang lahat.

"What is this, Shaira? You have a failed subject!" Sigaw ni Mama sa kanya at ibinagsak ang report card nya sa harap nito. "Hindi ka manlang ba magsasalita?"

"Why would I? Hindi naman na mapatataas nun ang grades ko." Sagot nya, hindi ko na napigilan ang sarili kong sumabat.

"Shaira! Watch your words!"

"Oh, look who's here. The self-entitled perfect daughter." Sarkastikong sagot nya sakin. Napakunot ang noo ko, bago pa man ako makasagot ay nagsalita na si Mama.

"Umakyat ka na sa kwarto mo! We'll discuss about this matter later." Wala na syang nagawa kung hindi ang tumayo at umakyat. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa mawala sya sa paningin ko. "Shiana." Tawag niya sakin.

"Ma." Wika ko. Inilapag ko ang bag ko sa sofa at naupo. Ano bang nangyayari sa kapatid ko? Hindi naman sya ganito dati.

"I'm sorry for earlier. Hwag mo nalang pansinin ang kapatid mo." Sabi nya sakin na mukhang stress na stress na sa kanya. Hindi na lang ako sumagot at kinuha ang report card ng kapatid ko.

I almost frown because of the sudden decrease of her grades. Kung dati ay halos maabot nya ang 100 na marka, ngayon ay may isa syang line of 7 at halos sampu ang ibinaba ng ibang grades nya. Hindi ito pwede, masyado na nyang pinapabayaan ang sarili at pag-aaral nya at mukhang alam ko na kung bakit. Ibinalik ko kay Mama ang card na malalim ang iniisip ngayon. Tumayo ako at aakyat na sana ng pigilan ako ni Mama. Napalingon ako sa kanya.

"Shiana, no. Leave it to me. Alam ko ang iniisip mo. Ako na ang bahala sa kapatid mo, I'll try to talk to her." Tinitigan ko si Mama at aangal na sana pero hindi ko na tinuloy. Baka nga mas makinig sya kung ang mama namin ang kakausap sa kanya. "Do you know anything kung bakit ganito ang kapatid mo? We all know, she's not like this."

Napatahimik ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Aaminin ko bang sangkot si Shaira sa isang ilegal na bagay o pagtatakpan ko siya bilang ate nya?

"N-nothing, Ma."

Sa huli, nanaig din ang pagiging ate ko. Dapat na talagang mapatigil ang ginagawa ng kumpanyang iyon, pati ang kapatid ko ay nagiging sunod-sunuran na. Gagawin ko ang lahat para mapigilan pa sila sa iba nilang balak, hindi lang para sa mga estudyan ng SFA kung hindi para na rin kay Shaira. Sana, sana tama itong gagawin ko.

-

"Class, we need atleast three representative per section for the upcoming math quizbee. Any volunteer?" Tanong ng class adviser namin.

Nagtaas ng kamay ang ilan naming mga kaklase. Nagbotohan at dalawa sa kanila ang nakuha. Bumaling ang adviser namin kay Gale na mukhang wala sa sarili.

"Gale, do you want to join?" Tanong ng guro namin pero hindi siya tumingin, mukha ayang hindi niya narinig.

"Huy, Gale. Tawag ka ni Ma'am." Tawag sa kanya ng katabi niya pero hindi niya ito pinansin.

"Miss Olivandre?" Sa pagkakataon na ito ay napatingin na siya.

"What?"

Nagpalitan kami ng tingin ni Apreal dahil sa pagtaas ng boses ni Gale sa guro. She never acted like that. May nangyari kaya?

"I'm asking you if you want to join the math quizbee. Aren't you listening?"

"Sorry but I don't want to join anything. Excuse me." Tumayo sya at lumabas ng room, katahimikan ang bumalot sa buong klase dahil doon.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now