Mission 13: Hugs

80 8 1
                                    

KLEO

Tahimik lang sya sa tabi ko habang nagdi-drive ako. Seryoso akong nakatingin sa daan at pinapakiramdaman sya, mula kasi ng gawin ko 'yun tumahimik na sya. Mukhang nadala na. Sumisilip silip ako sa gawi nya at nakatingin lang sya sa daan, hindi ko tuloy makita ang mukha nya. Tsk. Ang arte naman, parang first kiss nya 'yun.

"Saan ba tayo pupunta?" Napalunok ako sa tono at lamig ng boses nya.

"Basta." Sagot ko nalang. Miski kasi ako hindi alam kung saan ba talaga kami pupunta.

Pinarada ko ang sasakyan sa garahe ng bahay namin, ewan ko ba. Ito lang ang tahimik na lugar na naisip ko. Nauna syang lumabas at sumunod ako.

"Tara na."

Wala syang nagawa kung hindi sumunod na lang. Tahimik ko syang dinala sa sala, tiningnan ko sya at nakita kong nakatulala lang sya. Ano bang problema ng babae na 'to? Umupo lang ako sa harap nya at binuksan ang TV. Hinintay ko syang magsalita pero nakakailang minuto na kami ay tahimik parin sya, hindi na ko nakatiis at hinarap na sya.

"Ano bang problema mo?" Tumingin sya sakin at dahan dahan na umiling. "Eh, bakit ka ganyan umasta?"

"Wala nga, diba?"

"Pwede ba? Kanina ka pa tahimik ah. Ano bang iniisip mo dyan?" Naiinis na tanong ko. Ayaw manlang kasing magsalita. Narinig ko syang marahan na natawa kaya nagtataka kong tumingin sa kanya.

"Kanina sabi mo manahimik ako kasi naiinis ka tapos ngayon naman na tumahimik ako, naiinis ka pa rin?" Binuka ko ang bibig ko para sana magsalita pero agad kong sinara. She's right in some way.

"Tsk, dahil ba 'to sa paghalik ko sayo?" Nakangisi kong tanong. Panigurado isa na 'yun sa dahilan. Tiningnan nya lang ako ng masama at hindi sumagot kaya mas lalo akong ngumisi. "Don't tell me it's your first kiss?"

Hindi na naman sya nakasagot at sa labas lang nakatingin, nawala ang ngisi ko nang mapagtanto na tama ako. Shit!

"E-excuse me." Sabi nya sabay tayo at umalis.

Hindi ko mapigilan na ma-guilty dahil sa ginawa ko, pero halik lang naman 'yun diba? Wala naman ibang ibig sabihin 'yun. I decided to follow her and I found her on the veranda. Naupo ako tabi nya.

"Hey, wag ka nang magalit sakin. It's just a kiss."

"What? Just a kiss?" Galit nyang tanong.

"Oo." Kinakabahan kong sagot. Ganoon naman yung mga babaeng kilala ko, wala silang pakialam sa halik. "Bakit ba kasi galit na galit ka? Yung iba namang babae-"

"Hindi ako katulad ng ibang babae dyan! Hindi ako nagpapahalik kung kani-kanino. I'm not one of your flings! You can't kiss me whenever you want!" Sigaw nyang sabi, kita ko ang galit sa mga mata nya.

"I wouldn't do that in the first place if you shut your mouth. Hindi ko kasalanan 'yun." Kalmadong sabi ko pero sa loob loob ko ay kinakabahan na ko. Ngayon lang kasi may nagalit sakin dahil sa paghalik ko. Tsk. Kainis naman.

"Sino ba naman kasing hindi mabibigla kapag sinapak ng isang tao ang kaibigan nya sa hindi malaman na dahilan at bigla syang bubuhatin at dadalhin sa kotse sabay lock pa! Sabihin mo, hindi ba ko kakabahan sa ganun?!"

Napatayo na ko at sinagot sya. Pinapalaki pa nya ang mga bagay na wala namang kwenta. "Sino rin namang tao ang hindi kakabahan kapag tinatadtad mo na ng texts at calls ang isang tao dahil nag-aalala ka na pero ni hindi nya sinasagot ang isa sa mga 'yon?! Kagabi ko pa iniisip yung nangyari sayo, pinuntahan pa kita sa klase mo pero absent ka! Malay ko ba kung anong nangyari sayo?! Sabihin mo nga, hindi rin ba ko kakabahan sa ganun ha?!"

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now