Mission 33: Trespass

58 6 1
                                    

SHIANA

Kung titingnan mo ay para bang simpleng pribadong ospital lang ito na may magagaling na mga doktor at nurses, kumpleto sa pasilidad at mga gamit pero kung nararating mo na ang nasa itaas na palapag ay magbabago ang tingin mo rito.

Ang Ellipse Hospital ay lugar ng mga scientists na nage-eksperimento ng iba't ibang gamot na pwedeng magamit para sa pagpapagaling- at pagpapasunod. Ang karamihan naman sa mga pasyente na naririto ay kanilang mga test subjects. Dito nila ginagamit at pinapainom ang mga gamot, ang mga test subjects na iyon ay mga taong may utang sa kanila na piniling ito ang gawing bayad at ang iba naman ay mga taong hindi nabayaran ang kanilang utang dito sa ospital.

"Come on. Doon ka sa kwarto mo habang hindi kita binabalikan." Nagpunta kami ng second floor kung saan matatagpuan ang kwarto ko raw.

"Rita de Leon." Binasa ko ang nakalagay sa labas. Binuksan namin iyon at naabutan namin ang isa pang babae na natutulog sa kabilang kama.

Umupo ako sa kama sa tabi ko, bago sya umalis ay pinaalalahanan nya ko ng ilang mga bagay.

"Shiana, hwag mo hahayaan na painumin kang kahit na anong gamot ng kahit na sino. Do you understand?"

"Oo. Paulit ulit ka, dali na. Umalis ka na."

"Take care." Then he left.

Dahan dahan kong isinandal ang ulo ko sa headrest at pinakiramdaman ang katahimikan ng paligid. Kinuha ko ang isang bote ng gamot na nakalagay sa side table. Umupo ako ng maayos ay binasa ito, inilapag kong muli ng marealize na gamot lang siya para sa lagnat.

"Anong sakit mo?"

Napatingin ako sa kabilang kama kung saan nagsalita ang kanina ay tulog na babae. Ngumiti sya sakin at humarap sa gawi ko.

"May cancer ako, alam mo ba. Kaya wala na kong buhok. Hehehe." Nahihiyang sabi nya dahil napansin nyang nakatingin ako sa ulo nya.

"Okay lang. Hindi naman nasusukat ang kagandahan ng dahil lang sa buhok." Sagot ko sa kanya, lumaki ang ngiti nya dahil doon.

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Anong sakit mo?" Tanong nyang muli. Napatahimik ako dahil wala naman kaming napag-usapan kung ano ang sakit ko raw.

"H-hindi ko pa alam eh. I'm here for some tests and observations." Pagsisinungaling ko, mukha namang naniwala sya dahil isang ngiti na naman ang ginawad nya sakin.

"You know what, ang weird ng ospital na ito. Hwag kang maingay sa sasabihin ko ha? Secret lang natin ito." Sabi nya at inilapat ang isang daliri sa labi. Naalerto ako sa sinabi nya kaya tumango ako. "Minsan kasi, nakakatulog ako ng mahaba. Ibig kong sabihin, kunyare natulog ako ng lunes tapos magigising ako linggo na! Grabe, eh sa dati ko namang ospital ilang oras lang yung tulog ko. Lalo na kapag pinapainom nila ko ng gamot tuwing lunes, kaya nga minsan tinatapon ko eh. Hahahaha!"

"Pwede ba malaman kung anong gamot 'yun?" Hindi ko pinahalata na sobra ang kuryosidad ko tungkol doon.

"E-Direnxia yung nabasa ko eh. Teka, mayroon ata dito. Here, catch!" Bigla nyang hinagis ang isang puting bote sakin at sinalo ko naman iyon. Balak ko na sanang basahin ng may biglang kumatok. "Pst! Itago mo muna 'yan ha? Don't tell her I gave it to you."

"Okay."

Bago pumasok ang kumatok sa pinto ay umayos ako at nahiga. Ipinikit ko ang mga mata ko. Narinig kong bumukas ang pinto at bumati ang sa tingin ko ay isang babae.

"Hello, Step. How are you feeling?"

"I'm fine, Nurse H."

"That's nice. Here, take your meds and later Nurse O will fetch you for a walk."

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now