Mission 41: Team

54 4 1
                                    

SHIANA

Ilang araw na ang lumipas matapos sabihin sa akin ni Kleo na liligawan niya ko. Hindi siya nagpapaalam, pinapaalam niya lang sa akin na manliligaw siya. Syempre alam na rin ng mga kaibigan namin 'yun at tuwang tuwa sila dahil doon.

"Kailangan lang pala na magsayaw ka sa harap ng isang lalaki habang nakasuot ng revealing dress para makaamin siya!" Asar ni Apreal sa aming dalawa.

Hindi ko maiwasan na mahiya dahil naalala ko na halos mawala ako sa sarili dahil sa alak at nagsayaw pa talaga! I'm just thankful that they covered me up to my parents, hindi ako napagalitan dahil doon.

"You are not supposed to make her wear that cloth. Halos makita na buong kaluluwa niya, same as you girls. Be conservative." Paalala nito sa aming tatlo.

"Okay, okay. I'm not gonna argue with you. I surrender!" Pagsuko ni Apreal at sumandal sa braso ni Brandon.

Nawala sa aming dalawa ang focus ng barkada at nagkanya kanya na silang usap. Si Jack as usual, kinukulit na naman ang nagbabasang si Gale pero hindi na sila katulad ng dati na laging nag-aasaran. Mukhang may namumuo na rin na pagtitinginan dahil tawa lang nang tawa si Gale sa mga korning biro ni Jack. No offense to Jack. Tahimik namang nag-uusap sina Brandon at Apreal sa gilid.

Napatingin ako kay Kleo ng bigla niya kong isiksik at hinarap na nakapatong ang mukha nya sa dalawang kamay niya. Tinitigan niya ko habang nakanguso. Nagtaka naman ako sa kaniya. Ano kayang problema nito?

"Bakit ganyan ka makatingin?" Takang tanong ko.

Umiling lang siya at nginitian ako ng matamis. Iniwas ko ang tingin ko at pinigilan na mapangiti, okay Shiana. Bakit napaatras ka bigla? Nginingitian ka naman niya dati ah? Tapos ngayon para kang tuod na kinilig? Gosh!

"Guys. I have something important to tell you." Seryosong sabi ni Brandon.

Agad kaming umayos at napatingin sa kaniya. May kinuha siyang file sa loob ng bag niya at inilapag ito sa harap namin. Nanlaki ang mata ko ng makita kung ano ang tatak nito sa labas ng folder, nagkatinginan kami ni Kleo at mukhang pareho kami ng iniisip.

"There is something wrong about that company. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa nakatataas o sa mga kasamahan ko sa student council but I don't think they will believe me. Sa inyo ko ito unang sinabi dahil alam kong maniniwala kayo sa akin."

Agad niyang kinuwento ang nalalaman niya. Nabasa niya sa isang restricted file na nagsasangkap ito ng mga substance na nag-t-trigger sa active impulse sa katawan natin kaya naman kung sino man ang uminom ng kahit na anong gamot ay magiging hyperactive.

"May sasabihin din kami ni Jack at Shiana." Biglang sabi ni Kleo dahilan para mapatingin kami ni Jackson sa kaniya.

"Kleo. Anong gagawin mo?" Bulong ko sa kaniya dahil hindi ko alam ang iniisip niya.

"Trust me, Shin." Sagot niya sakin at ngumiti. Wala na akong nagawa kung hindi ang pabayaan siya. "We also investigated it. Napansin na ni Shiana na may mali sa mga gamot na iyon kaya tinulungan namin siya at sasabihin namin sa inyo ang nalaman namin."

Walang umimik sa amin habang sinasabi lahat ni Kleo lahat ng detalye na nalaman namin. Mula sa ginagawang test subjects ang mga pasyente sa ospital ng hindi nila alam, may halong droga ang mga gamot na binabahagi nila sa eskwelahan at ang tingin namin na ginagawa rin test subjects ang mga estudyante ng SFA. Katahimikan ang bumalot sa aming lahat nang matapos si Kleo.

"Ridiculous." Bulong ni Gale.

"Totoo." Sagot ni Jack na halatang nag-iisip din ng mga susunod na mangyayari. Higit sa kanilang apat, siya ang nakakaalam ng mga sikreto namin na hindi pwedeng sabihin sa iba.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now