Mission 21: Preparation

55 6 1
                                    

KLEO

"H-hindi ko alam.."

Nandito kami ngayon sa hospital na pinagdalhan namin kay Gale. Dalawang araw syang tulog at hindi nya maalala ang nangyari. Nagkatinginan kami at nagpasya na pagpahingahin muna sya. Nagpunta kami ng canteen dito sa may ospital at naupo.

"I'm tired na." Apreal said.

Tumingin ako kay Shin na nasa tabi ko at humihikab. Inabot ko ang ulo nya at isinandal sa balikat ko. Hindi sya umangal at pinabayaan nalang ako. Brandon was not here, tanging si Jack lang ang nagpunta.

"Bakit hindi nya maalala?" Naramdaman kong naging alerto ang mga kasama ko.

Napaisip din ako, anong nangyari at hindi nya maalala? May nangyari ba na hindi namin alam at nangyari sa kanya 'yun?

"Guys, umuwi na tayo. It's already midnight." Sabi ni Jack at nauna nang tumayo.

"Sa kanya nalang ako sasabay, take care guys." Paalam ni Apreal. Tumango ako at umalis na sya.

Napatingin ako kay Shin na nakasandal parin sa balikat ko, she's already sleeping. Siguro pagod 'to, ang alam ko may hinahabol syang deadline ng requirements para sa incentives eh.

"Shin? Wake up, uuwi na tayo." Tinapik tapik ko ang balikat nya pero hindi sya sumagot. "Tsk." Wala kong choice kung hindi buhatin sya hanggang sa kotse.

Napatingin ako sa mukha nyang natutulog. Mukha pala syang anghel kapag tulog eh. Sinuotan ko sya ng seatbelt at nagpunta ng driver seat. Hindi pa man ako nakakalayo ay may nakita ako sa langit. Shooting star, a meteor shower.

"Wow!" Nilingon ko si Shin na gising na pala. Nakatingin sya sa labas at pinagmamasdan ang langit.

Inihinto ko ang sasakyan sa gilid.

"Ang ganda!" She said while smiling. Tumingin sya sa gawi ko ng suot parin ang ngiti nya. "Maganda di ba?" Sabay turo nya sa langit.

"Oo, maganda." I said, while looking at the most beautiful star I know.

-

"I'm home."

"Kuyyyyyaa!" Sabi ni Lacy at nagpabuhat sakin. Binigay ko ang mga gamit ko sa kasambahay at sinenyasan ang yaya ni Lacy na umalis muna.

Umupo ako sa sofa at humarap sya sakin.

"Birthday!!!" Sabi nito.

"You want a party, my baby?" I said.

Muntik ko ng makalimutan na kaarawan na nga pala nya sa isang linggo. Taon taon ay nagkakaroon ng birthday celebration kasama ang mga kaklase nyang may autism din. Mukhang kailangan kong maghanda ngayon dahil 7th birthday na nya.

"Yes!" Sabi nya at tumalon, tumakbo sya papunta sa pinto at lumabas.

"Lacy!"

Sinundan ko sya at naabutan ko syang nakatayo malapit sa gate. Napakunot ang noo ko ng makitang may nakaparada na puting van sa labas, halos kaharap lang nya. Tumakbo ako papunta sa kanya at binuhat sya.

"Lacy, don't run away like that." I said and she nod.

Dumungaw ako sa labas at tiningnan ang van. Tinted ang salamin nito kaya hindi ko makita. Itatanong ko na sana kung anong kailangan nila pero agad itong umandar paalis, hindi ko na ito pinansin at pumasok nalang sa loob.

Lumipas ang mga araw at nakalabas na si Gale sa ospital, hanggang ngayon hindi parin nya maalala ang nangyari. Nandito kami sa bahay kasama si Shin at Jack. Susunod nalang daw yung tatlo.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now