Mission 6: Friendly Date

96 11 1
                                    

SHIANA

Sobrang sama ng gising ko ngayong araw sa hindi malaman na dahilan. Hindi ko alam kung dahil hindi ba ako kumain kagabi dahil wala kong gana o naalala ko na naman yung ginawa nya. Well, it's just for a dare, why do I need to bother?

Iwinaksi ko nalang sa isip ko ang nangyari at inihanda ang materials na gagamitin ko para gumawa ng school activities pero maya maya pa ay may kumatok sa pinto kaya't pinagbuksan ko ito. Tumambad sakin ang isang kasambahay.

"Why? I'm busy."

"Ma'am, may bisita po kayo."

"Sino?" Nagtatakang tanong ko. Hindi nya raw alam kung sino dahil hindi nagpakilala pero kilala ko raw kung sino. So weird.

Nag-ayos muna ko sandali at bumaba na para tingnan kung sino raw ang bisita ko. I saw the back of a guy with a black hair. Nakaupo sya sa couch at nakatalikod sa akin.

"Who are you?" Tumayo agad ito at tumingin sa gawi ko. Ilang segundo ko rin syang tinitigan hanggang rumehistro sa utak ko kung sino sya. "Oh my god, War?"

"Yup, the one and only Warden Sanford."

Pumunta sya sa gawi ko at hinalikan ang kamay ko. Napangiti ako at niyakap sya ng marahan.

"What are you doing here? I thought sa Australia ka na for good?" Tanong ko sa kanya habang umiinom ng juice, sa kanya naman ay kape. He really loves coffee.

"Dad allowed me to take the company's responsibility here in the Philippines, some important matters that only Sanford can resolve. I also want this to visit you and hang out with my little girlfriend." He said in a teasing tone.

"Baliw, little girlfriend ka dyan. You're really head over heels on me, huh?" Natatawang sabi ko sa kanya at nagpatuloy na ang usapan namin.

Warden Sanford or War is my childhood bestfriend. He's not like the other boys in our time. He's smart, thoughtful, sweet, understanding and caring. He becomes my older brother, he protects me in all circumstances, guide me in all manners and believe in me when no one does. Masyado syang mature para sa isang ten year old kid. Kaya rin walang nagtatangkang umaway sakin dahil sa kanya. Hindi nya yun binubugbog, tinatakot nya lang pero lahat sila takot sa kanya. Ewan ko nga kung paano nya nagagawa yun, kapag naman kasi sakin nya ginagawa hindi naman ako natatakot. I would just laugh at him.

Nililibot ko sya rito sa bahay namin, ibang iba na kasi yung bahay namin sa ngayon. After nun at nang mapagod na kami ay nagpahinga kami sa garden.

"Tara, gala tayo." He said out of the blue.

"Marami pa kong gagawin eh."

"Can't you set aside it for your best friend? Please?" Pilit nya at nag-puppy eyes pa. Natawa nalang ako dahil hindi naman bagay sa kanya.

"Okay fine, I'll just change my outfit."

Simpleng black fitted skirt lang ang isinuot ko na tinernuhan ng white shirt. Nagsuot rin ako ng cardigan at sandals for shoes.

"Tara!"

"You look mature now, Felicity."

He's the only person I allowed to called me by my second name. I find it dull cause it's too common, also, we're not in medieval period anymore for that kind of names. Pero sabi kasi nya, mas gusto nyang ayun ang itawag sakin dahil ang meaning nun ay happiness, kabaligtaran ng kanya which is War na puro raw lungkot ang dala. I know, he's really a deep person.

"Where do you want to go?"

"Ikaw na mag-decide, ikaw naman nagyaya eh."

"I have an idea. I know you'll love it." He said while having a big smile on his face.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now