Mission 18: Ellipse

51 7 1
                                    

SHIANA

It's been a week since mangyari ang party. Many students recognize me as the Night's Princess. Medyo naiilang na nga ko dahil bawat galaw ko nakatingin sila, miski ang mga bully sakin sa room at ibang strands tumigil na. Marami rin ang nagtatanong kung anong meron samin ni Kleo at paulit ulit ko ng sinasabing wala.

Mabuti nalang at malapit na ang exams kaya naman tumitigil na rin ang iba. Kasalukuyan akong gumagawa ako ng reviewer dito sa library, hindi ko kasi kayang magreview na wala ito. Walang pumapasok sa utak ko. Nandito na ako malapit sa librarian, baka kasi maulit yung nakaraan. Nagpapasalamat din ako dahil hindi na nag-text yung babae at mukhang hindi nya alam ang nangyari. Sana lang talaga 'wag ng maulit 'yun.

Tatlong subjects na ang nagawan ko ng reviewer, ibinaba ko muna ang pen at nag-unat. Kailangan kong maipasa or itaas lalo ang grades ko. Ayokong nandoon lang ako sa comfort zone ko, gusto ko ring patunayan sa ibang tao na hindi ako patapon sa section 1. Wala sa sarili akong napatingin sa wrist ko. Hindi pa rin nagbabago ang hitsura nito matapos noong nakaraan. I rubbed it absentmindly, when will be the next task? Sana 'wag naman sumabay sa exam week.

Nagpasya akong lumabas muna ng library para kumain, ang tagal naman kasing bumalik nung dalawa. Sabi nila pupuntahan lang sila eh. Kinakalikot ko ang bag ko ng may biglang humarang sa daan ko, hindi ko sya maharap dahil busy ako sa paghahanap ng wallet ko.

"Hi." Napatingala ako at nakita ang isang lalaki. Inayos ko ng salamin ko at namukhaan ko sya. "Naaalala mo pa ko?"

"Oo." Tipid na sagot ko. Si Andrew, ang Night's Prince.

Naglakad ako paalis at nag-isip kung saan pwedeng kumain ng sumabay sya sakin maglakad.

"Why?" I asked.

"Wala, bawal ba kong makipag-usap sayo?" Umiling nalang ako at hindi na nagsalita pa.

Hindi kasi ako sanay na may ibang kumakausap sakin, sanay akong hindi napapansin at walang pakialam ang mga tao sakin.

"Gusto mo bang kumain?" Tanong nya. Gusto ko sanang sumagot ng oo kaso lang gusto kong mapag-isa ngayon.

"Hindi, may pupuntahan kasi ako. Sige, sa susunod na lang. Bye!" Hindi ko sya hinintay na sumagot pa at nauna na ko.

Dumaan nalang ako sa cafeteria at bumili ng sandwich saka dumiretso sa likod ng grade school building. Doon ko tinuloy ang pagre-review. Hindi pa man ako nangangalahati sa pagbabasa ay nag-ring ang phone ko ay nakita ko ang caller id na si Shai. Agad ko itong sinagot.

"Hello, Shai?"

"-yabang mo! Ano 'tong mga ito? Basura?"

"No, ma'am. Hindi po ako ang may gawa nyan. Let me-"

"I don't need your explanation, Ms. Lee."

Pinatay ko ang tawag at nagmadali akong takbutin ang Senior building papuntang Junior. Nasa third floor ang office ng Junior SSG. Nasa second floor na ko ng mapahinto ako dahil sa usapan ng dalawang babae.

"Sigurado ka bang nakuha mo yung files sa desk ni Shaira?"

"Yes, tinago ko sya sa bag ko. Tara."

Nilingon ko ang sila pero agad silang nawala sa paningin ko. Hindi ko muna iyon inalala at tuluyang umakyat sa third floor. Naabutan kong bukas ang pinto at nagulat ako sa nakita ko.

Nagkalat ang madaming papel sa sahig at sinipa ng isang teacher ang iba, ibinalibag nya rin ang kumpol ng mga papel. Nag-init ang ulo ko kaya hindi na ko nagdalawang isip na hatakin ang braso ng teacher. And I'm not wrong who is she, Mrs. Ilna. The most terror teacher in Junior.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now