Mission 19: Behind her Mask

54 9 1
                                    

SHIANA

Exam week at busy ang lahat, halos walang maririnig na ingay sa buong room kaka review ng mga kaklase ko. Tapos na ang dalawang minor exams namin at wala na kaming exam ngayong araw. Kaya naman itinuon ko sa major subjects ang pagre-review. Kasalukuyan akong naglalakad pabalik ng room dahil bumili ako ng pagkain sa cafeteria, masyadong busy yung dalawa kaya ako na ang nag-volunteer.

"Girls. Kumain muna tayo." Sabi ko sabay lapag ng chips at sandwiches.

"Thanks, Shi!" Sabi ni Apreal at kumuha ng sandwich.

"Thank you." Sabi ni Gale at ngumiti.

Nagsimula na rin akong magbuklat ng notes ko sa isang major subject, dito kasi ako nahihirapan kaya kailangan ko 'tong bigyan ng pansin. Tahimik kaming tatlo habang kumakain at nagre-review.

"After the exams, let's get some refreshments." Biglang sabi ni Gale, napatingin kami sa kanya. "I mean, pang-alis ng stress dahil sa midterms. You know?"

"Okay." Sabi ko nalang dahil mahaba haba pa ang midterms exam. I'm just thankful that nothing strange will happen, I guess.

-

"Times up! Pass your papers." Said our instructor.

Nilingon ko yung dalawa at ngumiti. They also returned a smile. It's Wednesday, third day of midterm exams. After lunch, yung major subject na ang i-e-exam namin. Hindi ako gaanong kinakabahan dahil napag-aralan ko naman sya ng maayos.

"Ms. Lee, can you bring these to Miss Eva's office?" Tanong ng instructor namin.

"Yes, sir." Agad kong kinuha ang isang bulto ng papel na dadalhin sa coordinator namin.

I knocked three times before I entered. Naabutan ko doon ang isang babaeng nakatalikod at parang naghahalungkat, sya na naman?

"Haley?"

Tila nagulat sya sa pagtawag ko sa kanya kaya agad syang lumingon. Lumapit ako sa gawi nya at nilapag ko ang mga papel na pinadala sakin. Nahagip ng mata ko ang isang papel na hawak nya, teka, ayun ba yung exam namin mamaya?

"A-ano yang hawak mo?" Agad nyang tinago sa likod nya ang papel kaya tumingin ako sa mukha nya. Rumehistro ang kaba rito pero agad din napalitan.

"Why do you care?"

"Ibalik mo 'yan, that's cheating!"

"No it's not if you don't tell." Nagulat ako sa sinabi nya. Haley may be a bitch but she's more than this, she can answer all the questions even if its impromptu!

Isa na lang ang naisip kong gawin para hindi nya iyon makuha, hinawakan ko ang papel at hahatakin na sana pero ayaw nyang bitawan.

"Let go, Shiana!"

"No! Ibalik mo 'yan, ano ba?!"

"What is the meaning of this girls?" Agad na napabitaw si Haley sa papel at napatingin kaming pareho kay Miss Eva. Napatingin sya sa papel na hawak ko at nanlaki ang mata, agad nya itong kinuha at hinarap kami. "Bakit nyo hawak 'to?"

"Miss-" Magsasalita na sana ako pero bigla akong pinutol ni Haley.

"Miss Eva! I saw her entering your office and looking for something, naalarma ko dahil parang may iba syang pakay kaya pinasok ko sya. I found out she's about to steal a glance our exam!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya, gustuhin ko man magsalita pero nanuyo ang lalamunan ko.

"Is it true, Ms. Lee?" Hindi pa ko nakakasagot ng may biglang magsalita sa likod namin.

"No, Ma'am. She's lying." It was Andrew.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now