Mission 32: The Five Ghosts

59 8 1
                                    

SHIANA

Kabado akong nakaharap sa black board habang busy ang homeroom adviser namin sa pag-di-discuss ng bagong lesson. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong itinuturo nya dahil magmula ng pumasok sya rito sa silid ay hindi na ko nakikinig. Tatango lang ako kapag nagtatanong sya ng 'Do you understand?' at iiling naman kapag nagtanong sya ulit ng 'Do you have any questions?". No, mali pala. Mula nang pumasok ako kaninang umaga ay hindi ako nakikinig.

Sinulyapan ko ang relo ko, malapit ng matapos ang klase ni Ma'am at uwian na. Sa wakas, ang tagal kong hinintay iyon.

"Anong matagal mong hinintay Ms. Lee?" Napatayo ako ng tanungin 'yun ni Ma'am na nasa harap ko na pala.

"Ah- ano po-" Hindi ako masagot ng diretso sa kanya dahil ang sungit ng tingin nya. Nakataas kasi ang dalawang kilay nya at naka-cross arms pa. Naku naman!

"Yes?"

"Ma'am-"

*Ringgggg!

Napangiti naman ako ng biglang tumunog ang bell, senyales na uwian na. Nakaligtas ako roon ah. Nagpaalam sya sa klase at umalis na, agad naman akong humarap doon sa dalawa na iba ang tingin sakin.

"Oh, bakit ganyan tingin nyo?" Nagtatakang tanong ko. Nagkatinginan sila at parang hindi pa malaman kung sino ang sasagot sa tanong ko. Sa huli ay si Apreal ang humarap sakin na nakapamewang.

"What's happening on you?"

"Ha? Bakit? Anong meron sakin?" Tanong ko habang nilalagay ang ilang libro sa bag. Lumapit sila sakin.

"Ano ka ba, Shiana. Simula kaninang umaga halatang hindi ka nakikinig sa buong discussion. As if your body is here but your mind is absent. You know what I'm talking about." Natawa ko sa sinabi kaya naman tumaas ang kilay nya. "I'm serious here."

"Okay, okay. Easy lang naman. Tinatamad lang akong makinig, 'yun lang. Tara na nga." Iniwan ko silang dalawa sa loob at nauna ng lumabas.

I grab my phone and leave a message for him. Mas mahalaga kasi kaming bagay na kailangan puntahan kaya ayun.

"What?!" Napalingon ako sa likod ng marinig ko si Gale. May kausap sya sa telepono. "Sabi ko kasi sa inyong bantayan nyo sya eh! Look what happened! Hanapin nyo sya! Papunta na ko riyan!"

Nagkatinginan kami ni Apreal dahil wala kaming ideya kung anong problema nitong si Gale. Tahimik lang namin syang pinapanood habang nagdudutdot sa telepono nya at humarap samin.

"I'm sorry guys, I need to go home. May emergency eh." Sabi nito at akmang aalis na pero pinigilan ko sya.

"Gusto mo ihatid ka na namin? You said earlier na wala kang sundo."

"No, hindi na. Malapit lang naman yung pupuntahan ko. Sige ha, see you tomorrow!" At kumaripas na sya ng takbo.

"Take care!" Sigaw ni Apreal sa kanya.

Wala na kaming nagawa ni Apreal kung hindi umalis nalang, malapit na kami sa parking lot ng makita namin si yung tatlo. Sinalubong agad kami ng tanong ni Jack.

"Nasaan si Gale?"

"Umalis, may emergency." Sagot ko.

"Are you mad?" Napalingon kaming tatlo kila Apreal at Brandon na magkatabi.

"I already said no diba. Kulit mo."

"Wait, Apreal!"

Naiwan kaming tatlo rito na nakatayo at pinapanood sila hanggang sa mawala sila sa paningin namin. Mukhang may LQ sila ah.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now