Mission Completed

167 7 5
                                    

Epilogue

Malayang naglalakad si Shiana sa pasilyo ng ospital na pinagdalhan sa kaniya.

Sandali, naaalala ko ito! Ito yung araw na nagpakita sa akin yung anghel! Pero bakit naulit ang lahat? Anong nangyari?

Nasilaw at napayuko ang babae dahil sa liwanag na sumakop sa kaniyang harapan. Alam na nya ang pakiramdam na ito. Naramdaman na niya ito.

Nagtagumpay ba kami sa misyon? Pero masyado pang maaga.

Nang makalapit na sya ay lumitaw ang isang babaeng may kulay ginto at mahabang buhok. Ang kulay ng kanyang balat ay tila nagliliwanag sa sobrang puti at ang mukha nito ay sobrang amo. Si Angelica. Ang anghel na tumulong sa kanila upang magawa ang misyon.

"Shiana."

Nakatingin si Shiana ng diretso sa anghel. Nagtataka. Gulong gulo sa mga nangyayari. Gustong gustong magtanong ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.

"Shiana. Marahil ay nagtataka ka kung bakit nagkita ulit tayo sa kaperehong lugar ngunit magkaibang oras."

"O-oo. Ano bang nangyayari, Angelica? Hindi pa tapos ang misyon namin hindi ba? Bakit nagpakita ka ngayon na parang puputulin na ang lahat? At... at bakit ako nandito sa ospital?"

"Tapos na, Shiana."

Gulat na napatitig si Shiana sa anghel. Hindi alam ang isasagot. Hindi alam kung ano ang mararamdaman.

"Pero... pero paano?"

Tumalikod ang anghel sa kaniya at nagsimulang maglakad. Walang pagdadalawang isip na sinundan ito ng dalaga.

"Dahil ang pinakamisyon mo ay umayon sa plano. Naaalala mo ba kung sino ang misyon mo?"

Natahimik si Shiana at hindi alam ang isasagot, ngunit isang tao ang pumasok sa utak niya.

"Tama ka. Si Kleo ang misyon mo. Tingnan mo."

Humarap ang anghel sa kanyang kaliwa at nakita ang walang malay na katawan ni Shiana, sa tabi nito ay ang lalaking sinasabing misyon niya. Si Kleo Fernandez.

"H-hindi ko pa rin maintindihan..."

"Alam mo bang nagtataka ko sa'yo dahil hindi ka nagtanong dati kung bakit ko sinabi na siya ang misyon mo? Marahil ay okupado ang utak mo ng mga mangyayari sa nakaraan at ang kailangan niyong gawin upang maayos ito." Tumahimik sandali ang anghel at humarap sa dalaga. "Pero ang pinakamisyon mo? Ang iwasan ang pagkamatay ni Kleo, at binabati kita dahil naisakatuparan mo ang hiling mo"

Nanlaki ang mata ng dalaga sa nalaman.

"Hiling ko?!"

"Oo. Huwag kang mag-alala. Dahil naisakatuparan din naman ang hiling ni Kleo. Ang mailigtas ka."

"P-pero—"

"Oh siya, kailangan ko nang umalis. Hanggang sa muling pagkikita, Shiana."

-

SHIANA

Isang hindi kapani-paniwalang panaginip ang napanaginipan ko. Its about me talking to an angel but I can't hear anything.

Gumising na ako dahil kailangan ko ng pumasok sa eskwela. Isang linggo rin akong nasa ospital dahil sa nangyari pagkatapos nung birthday celebration ko.

Naalala ko kung gaano ka-grabe ang iyak ng pamilya ko nung nalaman ang nangyari sa'kin lalo na noong gumising ako. Ayaw pa nga nila ako palabasin sa ospital nung isang araw, kung hindi pa sinabi ng doktor na pwede na 'kong i-discharged baka nandoon pa rin ako hanggang ngayon.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now