Mission 1: Crossing of Paths

364 19 7
                                    

SHIANA

Napabalikwas ako at tuluyan ng nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Tumingin ako sa paligid at nandito ako sa kwarto ko sa bahay. Teka? Panaginip lang ba 'yun?

Tuluyan na kong tumayo at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Panaginip nga lang siguro 'yun. Nasa may hagdan na ko ng makita si Mama na nagsusulat ng kung ano sa mesa. Bakit parang pamilyar itong sitwasyon? She turned her gazed on me and smile.

"Anak, bakit gising ka pa? Anong oras na oh. Unang araw mo sa klase bukas baka ma-late ka."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Mama. Agad hinanap ng mata ko ang kalendaryo na nasa sala at halos manlambot ako sa nakita kong petsa.

June 3, 2018.

Hindi ito pwede. April 3, 2019 na noong huling tingin ko sa kalendaryo. Paano nangyari na bumalik ako sa 2018? Then it hit me.

'Hindi mo pa oras'

'May misyon ka pa'

'Kailangan nyong magtulungan'

Napaupo ako sa hagdan at napahawak ng mahigpit sa railings. Malamig ang paligid ngunit parang mas lumamig pa dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong totoo, kung panaginip lang ba ang nararamdaman ko ngayon o kung totoo nga bang nangyari 'yun.

Napapitlag ako sa kinauupuan ko ng hawakan ako sa balikat ni Mama. Nakita ko ang nag-aalalang mukha nya.

"Anak, are you okay?"

Tiningnan ko ng mabuti si Mama. Halata sa mukha nya ang pagod at stress, namumutla din sya at malaki na ang eyebags. Naalala ko na ang araw na ito. Ito yung araw na na-hold up ang banko na pinagtatrabahuhan nya. Madami syang inaayos na papeles at kailangan yun ipasa bukas. Galit din ang boss nila sa kanila dahil masyado raw silang pabaya at hindi binigyang pansin ang seguridad ng lugar. Sobrang naapektuhan si Mama noon dahil sya ang head ng branch ng banko na 'yun.

Nagbuntong hininga ako at hindi muna inisip ang bumabagabag sa akin.

"Yes, Ma. I'm fine. Don't worry."

"Okay, go to your room. Magpahinga ka na."

Tumalikod sya at bumalik sa lugar nya kanina. Pumunta ko ng kusina at uminom na ng tubig. Nagtimpla rin ako ng kape para magising si Mama at hindi gaanong antukin.

"Salamat, anak." Tugon nya at bumalik na sa ginagawa nya.

"Goodnight, Ma."

-

Kasalukuyan kaming kumakain ng umagahan ngayon. Nasa dulo ng mesa si Dad, busy sa laptop nya habang umiinom ng kape. Katabi nya naman si mama na chine-check ang papers na ginawa nya kagabi. As usual, parang hindi na naman nila kami nakikita.

"Ate, tara na." Walang buhay na aya sa akin ng kapatid kong si Shaira.

Tumayo sya at nauna ng lumabas. Kinuha ko na rin ang gamit ko at nagpaalam sa parents namin.

"Ma. Dad. We have to go." Tumango si dad at niyakap ako ni mama.

"Take care." Sabi ni Dad habang paalis ako.

Naghihintay na sakin si Shaira sa kotse na maghahatid sa amin sa St. Francis Academy. Naka-headphone na naman sya at hindi ako pinansin. Biglang sumagi sa isip ko ang mangyayari ngayong araw. Kinuha ko ang bag ko sa tabi at inilabas ang book na Physics. I handed it to my sister.

"What's that?" Nakakunot na tanong nya.

"Physics book. Here, dalhin mo." Sabay lapag ko sa gilid nya. Umiling lang sya at kinuha yun at nilagay sa bag nya.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora