Mission 23: Lacy's Abduction

61 4 0
                                    

KLEO

Marahas kong hinampas ang manibela ng sasakyan sa sobrang inis at galit. How could she do that?! Pinagkatiwalaan ko syang alagaan ang kapatid ko pero ipapahamak nya lang?!

"Brandon, please call Nayah. Ipatrace mo ang number ng yaya ni Lacy." I said habang patuloy sa pagmamaneho.

"Okay."

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak ang manibela. Natatakot ako para sa kapakanan ng kapatid ko, 'wag na 'wag nya lang sasaktan si Lacy at hindi nya magugustuhan ang gagawin ko.

"Bro, tumawag sa bahay nyo ang mom mo. Hinahanap kayo." Jack said. Hindi ako sumagot.

Niliko ko ang sasakyan at lalabas na sana ng tumunog ang phone ko. It's her yaya. Agad ko itong kinuha at sinagot.

"I'll let you explained. Where is Lacy?!" I exclaimed. I heard someone chuckle.

"Sir, easy ka lang naman. Kasama ko naman yung kapatid mo." Agad na nag-init ang ulo ko dahil sa naging sagot nya.

"Ibalik mo si Lacy sa bahay. What are your plans? Why are you doing this?!" Sigaw ko.

"Hwag mo kong sigawan kung ayaw mong saktan ko ang kapatid mo! Bastos ka!" Narinig kong may bumagsak na bagay kaya naman naalarma ako.

"Kapag sinaktan mo ang kapatid ko, malilintikan ka sakin. Tandaan mo 'yan! Where is she?!"

"Gusto mo ba talagang masaktan 'tong abnormal mong kapatid?! 'Wag mo kong sigawan!- kuyaaaaaaa!" Naapakan ko ang break dahil sa sigaw ng kapatid ko.

"Dahan dahan lang naman, Kleo!" Sigaw nilang dalawa pero hindi ko sila pinansin. Lumabas ako at mahigpit na hinawakan ang phone ko.

"WALANGYA KA! ANONG GINAWA MO KAY LACY?!"

"Makulit ka talaga! Eto, kapatid mo!- No! I don't want.. ouch! K-kuya.. Kuya! Ayoko! M-my kuya!" Shit. What is she doing to my sister?!

"L-lacy? Lacy! Kuya will get you, don't cry. I'll get you back-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil muling nagsalita ang yaya nya.

"Ang arte mo. Eh abnormal naman 'tong kapatid mo! Wala kang mapapala dito. Tatawagan nalang kita kung kailan ako hihingi ng ransom. Sa ngayon, maghintay ka dyan." Sabi nya. Hindi pwede, baka kung anong gawin nya sa kapatid ko!

"Wait! Sandali naman- putangina!"

Gigil kong tiningnan ang phone ko, balak ko na sana itong ibato nang hablutin ito ni Brandon. Tiningnan ko sya nang masama pero hindi nya ko pinansin at pumasok muli sa loob ng kotse. Pumikit ako ng mariin dahil sa halo halong emosyon na nararamdamn ko. Anger. Worry. Fear. Napalingon ako sa kotse nang magsalita si Jack.

"Tara na, Kleo. Walang mangyayari kung nandito lang tayo."

Wala na kong nagawa kung hindi bumalik sa kotse. Pinaandar ko ang makina at mabilis na pinakbo pabalik ng bahay. Naabutan namin ang mga babae na nakaupo sa sofa, agad silang tumayo nang makita kami.

"K-kleo." Banggit ni Shin sa pangalan ko.

I sighed. "I'm fine. I just need to get my sister back." I said. Gustuhin ko man maka-usap sya ng matagal ay hindi ko kaya. Gusto ko nang makita ang kapatid ko.

"Kleo, si Nayah." Lumingon ako sa pintuan at nakita kong nakatayo roon ang isang babae. She smiled at me.

"I heard what happened to Lacy." She said. "I'm willing to help you."

"Salamat." I said. Nilabas nya ang kung ano anong gamit na dala nya. Kinuha nya rin ang phone ko at isinaksak sa isang gadget na nakalapag doon.

"These are device I used to locate and trace a particular gadget. It may be a phones, laptops, tablets. Anything." Sabi nya.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now