Mission 4: Photographs

145 14 1
                                    

SHIANA

"Hello, Apreal? Oo wait... Ha?... Ganun ba? Hindi ka makakapasok?..... Ba't-..... Okay okay, sige.... Oo na, magpagaling ka ha... Sige, bye! Take care!"

Hays, wala akong kasama sa school ngayon. Absent kasi si Apreal, kakatawag lang nya. Mataas daw ang lagnat at hindi talaga kayang pumasok. Medyo nag-aalala pa nga kasi wala raw akong kasama, kaya pipilitin daw nyang pumasok. Sinabi ko nalang na wag na kasi baka lumala pa. Sa ngayon, nasa hallway nako ng floor namin at papasok na ng room.

Nasa may pinto palang ako ng humarang na si Haley sa daan. Dadaan sana ko sa gilid pero iniharang nya ang braso nya. Ganun din sa kabila.

"H-haley, excuse me."

"Ayoko nga." Sabay ngiti nya at nagpaikot pa ng kaunting buhok sa daliri nya.

"Haley, padaan." Ulit ko at hindi na lang ngiti ang sinagot nya kung hindi tawa. Hindi ko na sya hinintay na magsalita at sinangga ko ang braso nya para makapasok.

"Woah. Matapang ka na ngayon, you think you are brave enough to fight me?" Huminto ako sa paglakad at humarap sa kanya. Naramdaman ko na tumahimik ang mga kaklase namin at nabuo ang tensyon sa paligid.

"Hindi naman ako nandito para makipag-away. School is not a fighting ground, Haley. Remember that." Pagkatalikod ko ay naramdaman ko agad ang paghatak nya sa buhok ko kaya napasigaw ako sa sakit. Shit, Haley! You bitch! "Ouch! A-ano ba?! Stop it!"

"Masyadong matabil yang dila mo eh, you're acting like you know everything eh sabit ka lang naman!"

"HALEY!" Agad nyang binitawan ang buhok ko kaya muntik na kong masubsob, buti nalang at sinalo ako ng isa kong kaklase na babae. "WHAT ARE YOU DOING?" Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang isa sa kambal na Morales. Tuluyan na syang pumasok at napaatras naman si Haley.

"Don't you dare raise your voice on me, Brandon! It's none of your business. Shut up! Tumabi ka nga! Interloper." Tahimik lang ang lahat hanggang mag-walk out si Haley at naiwan si Brandon sa harap ng classroom.

"Here." Napaangat ako ng tingin at nakita kong hawak nya ang salamin na nahulog ko kanina. Kinuha ko agad yun at ngumiti sya. "Sorry about Haley. Just ignore her." Pagkatapos nun ay naglakad na sya paalis ng room at ako naman ay dumiretso na sa upuan ko.

Second subject na ng pumasok si Haley at hindi nya pinansin ang professor namin na kinakausap sya. Napailing nalang ako. Maybe she have brains but she don't have manners and respect.

Binalot ng malakas na katok sa pinto ang kwarto kaya agad itong binuksan. Saglit na lumabas ang professor namin at pagbalik nya ay kasama nya ang isang maputing babae, medyo weird din sya dahil marami syang bracelets sa magkabilang wrist. She has long wavy black hair that extends upto her waist.

"Evanna Gale Olivandre. N-nice meeting you all. Sana maging magkakaibigan tayo." Sabay ngiti nya at pinaupo na sya sa tabi ko. Nang makarating na sya sa tabi ko ay inilahad nya ang kamay nya kaya't nahulog lahat ng dala nyang libro. "I'm sorry.. A-ano kasi.."

"Wala yun. Teka, eto. Upo ka na." She smiled at me and started to listen to our professor.

Hindi ko mapigilan na mapatingin sa kanya. Para kasing may kakaiba sa kanya, nararamdaman ko sa kanya yung naramdaman ko nung nakita ko si Angelica sa may cr. I turn my gaze in front and tried to listen to the discussion.

Break time na, tumayo na ko at lalabas na sana pero napatingin ako kay.. Evanna? Gale? Kung sino man sya. Bumaling din sya ng tingin sakin at ngumiti.

"Ahm, hi Evanna? Gusto mo bang sumabay sakin kumain? Ililibot kita." Halata sa mukha nya ang gulat kaya nginitian ko nalang sya. Maya maya ay tumango rin sya.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now