Mission 42: Disclosure

49 6 1
                                    

KLEO

Ngayon ang araw na kung saan babalik kami sa ospital na 'yun. May kailangan kaming puntahan na paseyente na maaaring maging witness namin. Nasundo na namin si Apreal at papunta na kami sa kanila.

Ako na ang lumabas sa van at nag-doorbell. Maya maya ay nakita ko siya sa malayo na naglalakad papunta rito. Agad akong napangiti ng makita ko siya.

"Are you ready?" I asked.

"Oo naman."

Ang huling susunduin namin ay si Gale, si Jack na ang sumalubong sa kaniya sa para mas mabilis. Narinig naming bumukas ang pintuan ng van at pumasok silang dalawa. Pansin kong medyo tumahimik si Jack.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo." Sagot niya pero halatang hindi naman. I glance at Gale and saw her bored look. May problema siguro sila.

"What are our plans?" Tanong ni Gale na nasa likuran.

"Mamaya na natin pag-usapan 'yan." Sagot sa kaniya ni Jack.

Nagpalitan kaming lahat ng tingin dahil hindi maganda ang timpla ng mood ngayon ni Jackson. Hindi na lang kami nagsalita at pinabayaan sila. Isa pa ay malayo ang papuntang Ellipse Hospital dahil tatlong bayan ang daraanan.

"Alam mo ba kung anong problema nila?" Napalingon ako kay Shin na biglang nagtanong.

I shrugged as an answer. Hindi na rin siya nagtanong at nanahimik na lang habang nasa byahe.

Si Brandon ng nasa driver's seat at katabi nito si Apreal na nakaupo sa passenger's seat. Kami ang nasa pikod nila at nasa dulo naman sina Jack.

Isang oras ang lumipas ng nasa Conception na kami at nagiging pamilyar na ang mga daanan. Naramdaman kong gumalaw si Jack sa likod at mukhang tumayo.

"Pakihinto, kambal." Sabi nito.

"Why?" Naguguluhan na tanong ni Brandon at hindi pa rin hinihinto ng sasakyan.

"Iihi lang ako." Sagot nito.

Agad huminto ang sasakyan at iginilid. Pareho naming sinundan ng tingin ni Shin ang lumabas na si Jack at lumayo ng kaunti sa sasakyan. Katulad noong nakaraan ay dumiretso siya sa isang pamilyar na lugar. I think he saw the five ghost again.

"Pareho ba tayo ng iniisip?" Shiana asked.

"Do you think of yourself?" I asked teasingly and I get a sharp gazed from her. Natawa na lang ako. "Oo, mukhang pareho nga tayo ng iniisip."

Pinanood ko kung paano siya tumalikod sa gawi ng sasakyan namin at nagpanggap na umiihi. Napakunot ang noo ko dahil bigla syang napaatras. Is there something wrong? Tiningnan ko si Shiana na nakatingin din kay Jackson pero hindi siguro niya iyon napansin. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. He is showing something from his phone and he constantly combing his hair by his hands. Para bang may hindi siya nagugustuhan na sinasabi noong kausap niya.

"Pabalik na siya." Bulong ng katabi ko.

Humarap na sa amin si Jack at hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha niya. Napahinto siya bigla at mukhang may sinasabi pa yung mga multo. Napailing siya at tinakbo ang sasakyan.

"Let's go back." Seryosong sabi nito pagkabukas ng pinto.

Lumingon si Apreal mula sa passenger seat at naunang nagtanong. "What? Bakit?"

"Basta. Sasabihin ko mamaya."

"Bakit hindi mo pa sabihin ngayon? We're almost there, aalis pa ba tayo?" Pagsusungit ni Apreal at tumingin kay Brandon. "Tara na. Let us continue-"

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now