Mission 24: Amazix

53 5 1
                                    

KLEO

Nakatayo ako veranda ng bahay habang hawak ang isang tasa ng kape. I'm not a coffee person, I just need this to keep me awake. After all, two hours of sleep is all I had. Nakarinig ako ng kaluskos sa likod ko kaya naman nilingon ko ito. I found her staring at me, then she smile after.

"Good morning." She muttered then sipped the fresh milk she have.

"Good morning."

Tahimik lang kaming dalawa habang nasa veranda. Ako nakatayo at nakasandal sa railings habang sya ay nasa likod ko.

"Kl-"

"Guys, kumain na muna tayo." I heard Shin calling us. Tumalikod ako nakita ko syang nakangiti, she's wearing a pink apron. "Kleo, kain na. You need energy for later." Ngumiti ako sa kanya at lumapit.

Hinawakan ko sya sa braso at hahatakin na sana pero di sya umalis sa pwesto nya at nakatingin lang sa likod ko. I turned on my back to see what she's looking at.

"Gale, tara na." Mukha namang napabalik sa reyalidad si Gale at sumunod samin.

Naabutan namin ang iba na nasa dining table, kumakain na sila. Naupo ako at tumabi sakin si Shin. Napatingin ako sa high chair sa gilid. I wonder if she's eating, does the kidnapper starving her? Hindi ko magawang kumuha ng kahit na ano hanggat di nakasisigurado na okay sya. I look at my wrist watch, it's 5 A.M. in the morning.

"Brandon, is everything settled?" I asked. Naramdaman kong natigilan ang mga kasama ko. Ibinaba nya ang kubyertos na hawak nya at tumingin sakin.

"Yes, Kleo."

"Apreal?" Tuon ko kay Apreal na nakatingin din sakin.

Tumango sya. "Yup, it's ready."

Sumagot din ang iba na naayos na raw nila ang lahat. Ilang oras na lang ang hihintayin namin at umayon lang ang lahat sa plano ay magiging maayos na at makukuha na namin si Lacy. Bumalot ang katahimikan sa apat na sulok na kwarto. Tumayo ako at napatingin silang lahat sakin.

"I'll get ready."

-

Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga benches na nandito sa park. Ito ang lugar na sinabi ni Amanda kung saan nya dadalhin si Lacy. Iniwan ko ang pera sa isang basurahan malapit sa fountain. Iyon ang sinabi nya. Napatingin ako sa paligid, no trace of them. Where they are?

Mag-isa akong pumunta rito, kabilin bilinan na rin nya. Kahit ayoko, basta para sa kapatid ko ay gagawin ko. Tinap ko ang sapatos ko sa sahig dahilan ng paggawa nito ng maliit na ingay. Kita sa paligid ang mga batang nagtatakbuhan, iba't ibang mga tinda, mga magkasintahan na naglalakad lakad, pamilyang masayang nag-iikot at kung ano ano pa. Tila ba napaka-kalmado nila, pero kabaliktaran nila ako.

My phone rang and I immediately answer it.

"Where is Lacy?" Hindi nya pinansin ang tanong ko.

"Nailagay mo na ba?" Mukha talagang pera.

Pinigilan ko ang sarili kong sigawan sya dahil baka magbago ang isip nya, "Oo. Tumupad ka sa usapan."

"Oo naman. Ayoko namang mag-alaga ng isang abnormal na bata. Hintayin mo, mamaya nandyan na sya." Humigpit ang hawak ko sa telepono dahil sa sinabi nya.

Pinatay nyang muli ang telepono. Maya maya ay may nakita akong isang babae na naglalakad, huminto sya sa asul na basurahan at kinuha ang bag. Naramdaman ko ang tensyon sa paligid. Kahit hindi ko alam kung sino sino sa kanila ang nandito ay alam kong nakamasid sila.

Muli syang tumawag.

"Madali ka talagang kausap. Hintayin mo lang." Hindi ako sumagot.

Tumayo ako tiningnan ang paligid. Kinakabahan na ko at ramdam ko ang pamamasa ng palad ko, paano kung hindi sya tumupad? Masasayang lahat ng plano na inihanda ko at mapapahamak ang kapatid ko. Napatingin ako sa isang batang tumatakbo papalapit sakin. Nabuhayan ako at sinalubong sya. Nang tuluyan ko na syang mahawakan ay agad ko syang niyakap. Isang mahigpit na yakap. Ang kaninang kaba ko ay napalitan ng saya at pasasalamat.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now