Mission 46: Tampo?

64 4 1
                                    

SHIANA

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong huminto ang kotse, agad kong binuksan ang mata ko at tumambad sa akin ang ngiting ngiti na si Kleo. Mabilis akong umayos ng upo, juice colored. Mukha ata akong patatas dito!

"B-bakit naman ganyan ka makangiti?" Naiilang na tanong ko at sumilip sa labas.

Napangiti ako dahil dito pala kami nagpunta noong unang labas namin. Lumabas siya sa pintuan at pinagbuksan ako. Umihip ang malamig na hangin kaya medyo napayakap ako sa sarili ko, gosh! Ang lamig! Oo nga pala, nobyembre na. Hala! Malapit na rin pala ang birthday ko! I almost forgot.

"Naalala ko noong unang punta natin dito, titig na titig ka sa paligid. You said you love darkness." Bulong niya sa tabi ko. Sinilip ko siya at diretso lang ang tingin niya sa harap. Woah, naalala pa pala niya 'yun?

"Yup. Hanggang ngayon naman. Darkness is my comfort." Sagot ko.

He excused himself for a while and went to car's trunk. Akala ko doon ulit kami pu-pwesto pero naglabas siya ng blanket at isang basket ng pagkain.

"See this? Picnic tayo." He said cheerfully.

"Gabi? Picnic?" Natatawa kong tanong ngunit napatigil agad ng tiningnan niya ko ng masama.

"Stop laughing you brat. Ayaw mo ba? Edi tara-" Akmang aalis siya pero pinigilan ko agad siya at naupo na sa blanket. Kinuha ko rin ang basket na puno ng mga pagkain at nilapag iyon. Huli kong inabot ang kamay niya at marahang hinatak.

"Tara na. Ang tagal mo." Inosenteng sabi ko, napailing na lang siya at naupo rin sa tabi ko.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ngunit hindi naman nakakailang, kumportable lang.

Napatitig ako sa city lights sa baba, para silang mga bituin na nasa lupa. Ang payapa ng paligid at parang walang hindi maganda na nangyayari. Napabuntong hininga ako at hindi ko mapigilan na isipin yung nangyari nitong mga nakaraan. Ang tagal din namin na inisip ang bagay na 'yun. Paano kung hindi namin napigilan? Paano kung walang nakaalam sa amin tungkol sa drugs na ipinapainom nila sa mga estudyante? Paano kung-

"Hey, bakit ka umiiyak?"

Napalingon ako kay Kleo ng iharap niya ko sa kaniya. Nakakunot ang noo niya at bakas ang pag-aalala sa mata nito. I felt his thumb brushing my tears off.

"May masakit ba sayo? Is there something wrong about the place? The food? M-may allergies ka ba sa iba rito? Tell me, Shin. Aalisin ko agad. Eto-" Agad ko siyang pinutol.

"No, ano ka ba! Hindi tungkol doon." His expression soften and he smiled at me.

"I know you're still thinking about it. Hindi ko sasabihin na tigilan mo na ang pag-iisip tungkol doon dahil miski ako hindi siya maalis sa isip ko. But I want to tell you that everything will be alright, you see, ilang misyon na ang napag-daanan natin at nalagpasan. Isipin mo lang ang mga magagandang bagay na mangyayari pagkatapos ng lahat. Don't worry too much, i'm here, huh? Kahit anong mangyari nandito lang ako. Kahit kailan mo 'ko kailanganin, kahit madaling araw o hating gabi. I will go and look after you. Ano pa at partners tayo, right?"

Isang tango lang ang sinagot ko sa kaniya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. But I am relieve. Yung feeling na kanina sobrang nag-aalala ako sa mangyayari pero ngayon nawala na, and I'm happy na siya ang dahilan nun.

-

"Hindi ko nga alam kung magt-take up ako ng Law or Mass Communication."

"Ano bang mas gusto mo?"

"I don't know either. Basta! Ikaw naman?"

"Business Administration. Ako kasi magtutuloy ng business nina mom."

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now