Mission 28: Soccer Game

59 5 1
                                    

KLEO

Two days in the hospital is a living hell for me. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa mga sugat at pasa ko sa katawan, the only thing that keep me sane is her by my side. She never left, until it's important. Muntik na rin umuwi sina Mom at Dad mula sa business meeting nila sa Bacolod pero hindi ko na pinayagan dahil maayos naman ako. Alaga ako ng mga kaibigan ko. In fact, they are here now in my room.

"Bro, penge ako nitong apple ha." Sabi ni Jackson at kumuha ng isang mansanas sabay kagat. Nagpaalam ka pa.

"Sige lang."

"Kleo, anong password ng WiFi dito sa kwarto mo?" Apreal asked without looking at me.

"Makapalangmukhanyo." She gave me a what-the-hell looked because of the password. I just shrugged.

"Wala kang chocolates sa mini fridge mo?" Tanong naman ni Gale habang nakaupo sa harap ng mini fridge.

"Wala."

"This is so boring." Si Brandon, habang nakahilata sa sofa at nililipat ang channel sa tv.

"Halata nga eh." Sarkastiko kong sagot.

Hindi ko alam kung sila ba ang may nararamdaman dahil mas demanding pa sila kaysa sakin. Napailing na lang akong tiningnan sila, kung hindi ko lang siguro sila kaibigan baka nasipa ko na sila palabas ng kwarto.

"Pabayaan mo na. They are shy to express what they feel." Rinig kong sabi ni Shin sa gilid ko. Sa totoo lang sya lang naman gusto kong kasama kasi nanggugulo lang naman 'tong apat.

"Yeah, right."

Biglang pumasok ang doktor ko at umayos naman silang lahat. Dumiretso sya sakin.

"Mr. Fernandez, pwede ka ng umuwi mamaya. Your parents already paid your hospital bills. Just show this to guard para palabasin kayo. One more thing, please take your meds and other ointments for your scars. I'll go ahead."

Gumaan naman ang pakiramdam ko nang marinig ko 'yun. Inayos na namin ang mga gamit ko at hinatid nila ko sa bahay. Kailangan kong magpahinga ng maayos dahil sa thursday, laban na ng soccer team.

-

"Captain! Welcome back!"

"Are you feeling well?"

"Resbakan natin yang si Warden na 'yan, captain!"

Halos dumugin ako ng mga teammates ko sa pagdating ko sa field. Napatingin naman ako sa katabi ko ng bigla itong magsalita.

"Kleo, hwag ka kaya munang maglaro?"

"Isang game lang naman, hindi ako mapapahamak this time. I swear." I assure to her. Tinitigan nya ko kaya naman nginitian ko sya, maya maya ay napabuntong hininga nalang sya.

"Okay, fine. Dito ka muna. Aalis muna ko." She said. Bago sya makaalis ay hinatak ko sya, gulat syang napatingin sakin. "What?" Natawa naman ako sa ekspresyon nya, kailan ko pa ba nagawang papulahin ang pisngi mo?

"Hwag kang didikit sa kahit na sinong lalaki. Lulumpuhin ko sila kapag dinikitan ka nila." Seryosong sabi ko pero inirapan nya lang ako. Tsk. Seryoso kaya ako.

"Whatever. Sige na, alis nako!" At tumakbo na sya palayo.

-

SHIANA

Pasulyap sulyap ako sa paligid ng campus at inaabangan kung susulpot ba sya o ano. I want to talk to him. Ilang minuto ko ng sinusuyod ang buong lugar pero ni anino nya ay wala. Wala akong nagawa kung hindi pumunta sa office ng Heartist. Masyado kong occupied nitong mga nakaraang araw at baka may na-missed akong gawain.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now