Mission 22: Bring Me

56 6 1
                                    

SHIANA

Pababa na ko ng hagdan ng maabutan ko si Shaira sa sala. As usual, kaharap nya ulit ang sandamakmak na mga papel. Napaisip tuloy akong tanungin sya kung gusto nyang sumama sa birthday ni Lacy.

"Shai. Aalis ako, gusto mong sumama?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na. I'm busy, ate." Sagot nya nang hindi tumitingin sakin.

"You sure? Masaya dun kahit children's party." Nakita kong natigilan sya pero agad na bumuntong hininga.

"I'm sorry but I'm busy."

Ngumiti ako sa kanya at tinap ang braso nya. She flinched. "Sige, una nako."

Lumabas na ko ng gate at pumara ng taxi. Sinabi ko ang address nila Kleo. Hindi pa man ako nakakalayo sa bahay ay tumunog na ang cellphone ko. Puro kasi texts na galing sa lima. Paalis na raw sila at yung iba naman nandun na. Nagreply na lang ako.

"Malapit na ko guys." I replied.

Ilang minuto lang ay nakarating na ko sa bahay nila, it's just 10 A.M., mamaya pa namang 1 P.M. ang start pero mas magandang maayos na ang lahat. Kami rin kasing mga babae ang mag-aayos sa birthday celebrant.

"Hi ateeeee!" Salubong sakin ni Lacy pagkadating ko sa bahay nila. Mukhang ako pa lang ang babaeng nandito.

"Hello, Lacy! Where's your kuya Kleo?" Tinuro nya ang kusina kaya nagpunta ako doon. "Yaya, pakibantayan muna si Lacy." Sabi ko sa yaya niya.

Naabutan ko ang boys na inaayos ang ilang party hats at mga prizes na nilalagay nila sa mini baskets. Napangiwi ako dahil nakakalat ang ibang chocolate bars, candies at toys. May iba rin na wala ng laman.

"Guys! Bakit wala na 'tong laman?" Tanong ko habang hawak ang isang pakete ng goya. Nagkatinginan naman silang tatlo at umiwas sakin. "Kinain nyo? Juice colored naman, these are for kids!"

"Kasi Shiana, si Brandon-" Magpapaliwanag na sana si Jack pero pinutol sya ng kakambal nya.

"What? Why me? Ikaw kaya ang gustong kumain! Kayo ni Kleo-" Sagot ni Brandon at tinuro si Kleo pero pinutol ulit sya nito. Napahawak nalang ako sa sentido ko, sakit sa ulo ng mga lalaki na 'to!

"Hey, bros! Bakit ako nasama? As far as I know bahay ko 'to at pera ko ang pinangbili dyan."

"Oh ano naman-"

"That's not a valid reason-"

"HOY! MANAHIMIK NGA KAYONG TATLO!" Sigaw ko dahiil sobrang ingay nila at sabay sabay kung magsalita. Nanahimik naman sila at nagtitinginan nang masama. "Ganito, I'll assign na lang kung anong gagawin nyo. Ikaw Brandon, dun ka sa prizes. Kleo, yung foods dalhin mo sa labas. Jack, ayusin mo yung pang-designs. NOW!" Agad silang nagsitayuan at nagpunta sa iba't ibang lugar.

"Hi guys, what happened?" Nilingon ko ang boses na iyon at nakita ko si Gale. "Oh my, ang kalat naman." Gulat na sabi nya habang nakatingin sa paligid.

"Yeah, kinain nila yung ibang prizes eh. Tara na. Mag-ayos na tayo ng designs." Hindi parin maalis ni Gale ang tingin sa ibang kalat at naiiling na lang.

Dumating din agad si Apreal na dala ang six boxes of cupcakes at one box of cake para sa party. Dumating na rin ang inarkila naming mga chairs and tables. Masyado akong natutuwa sa mini chairs and tables para sa mga bata. Ang cute kasi eh.

Mayroong mini stage at sa gitna ay ang white sofa kung saan uupo si Lacy. Sa likod nya ay may nakalagay na Lacy's @ 7. Sa harap ng stage ay nagkalat ang mini chairs and tables na uupuan ng mga kaklase at kaibigan nya. Sa likod naman ang mga matatanda. Ang pagkain ay puro mga pang-bata, may cotton candy, chocolate fountain, marshmallows and cut outs fruits, wafer sticks and bars at kung ano ano pa. Hindi rin mawawala ang spaghetti na favorite daw ni Lacy.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now