Mission 29: e

58 6 1
                                    

KLEO

Nakakunot noo kaming umalis ng field dahil sa ginawang kalokohan ng kabilang team. Tahimik lang kami hanggang sa makapunta sa locker room. Umupo sa gilid ko ang dalawang teammates ko.

"Isn't it weird? Maayos naman sila kanina habang kausap si Miss Georgia."

"Oo nga eh. Hindi mo ba napansin? Yung isa sa kanila yung captain nung team. Grabe, nakakahiya 'yun."

"Mukha kayang wala sila sa sarili. Tumaas nga balahibo ko sa katawan eh, kasi nakangiti sila kahit halata nang pagod na pagod sila."

"Captain, yung girlfriend mo nasa labas." Tinanguan ko lang si Pol ng sabihin nya 'yun.

Dumiretso ako sa labas at tumambad sakin ang nakasimangot na si Shin. Problema nito?

"Sabihin mo sa teammates mo hindi mo ko girlfriend at may pangalan ako. Sundan mo ko!" Napailing nalang ako sa inasal nya. Napansin nyang hindi ako sumunod kaya nilingon nya ko. "Susunod ka ba o hindi?"

"Susunod na. Brat." Inirapan nya lang ako at nauna na.

Nakarating kami sa usual spot namin. I looked at her and found her staring at something. Tumingin ako sa harap nya, puno lang naman yung nandun? Tumingin akong muli sa kanya.

"Ehem." Hindi pa rin sya lumilingon.

"Ehem!" Wala pa rin epekto.

"Ehe-"

"Stop it, will you?" She said and look at me. Naupo sya sa may damuhan kaya naman sumunod ako. "Something is wrong."

"Oo, may mali sayo. Kanina ka pa tahimik tapos ang sungit mo. What's wrong?"

"Hindi naman ako. Dito sa school." Sagot nya kaya nagtaka ako.

"What? Anong mali rito?" Huminga sya ng malalim at humarap sakin. Seryoso ang hitsura nya kaya kinabahan ako.

"Hyperactive students." She said. Nagtaka ako noong una pero napagtanto ko rin ang gusto nyang sabihin.

"You mean earlier?" She nod.

"Hindi lang 'yun. Naalala mo yung kay Gale? Yung sa mga estudyante sa campus noong isang araw, kay Jaz sa Heartist at kahapon sa cafeteria." Humina ang boses nya roon sa dulo.

"Cafeteria?" Takang tanong ko. Wala naman syang nababanggit na kahit ano samin na nangyari kahapon, pero pansin ko ang pagtahimik at pagiging walang kibo niya. "May nangyari ba?" I asked.

Nag-aalangan pa syang sumagot pero sa huli ay sinabi rin nya. "Kahapon, almost 15 students ang dinumog ako sa cafeteria. Katulad noong kay Gale at sa mga soccer players kanina, ganoon ang hitsura at pagiging active nila. Talon sila ng talon, ang daldal nila, tayo ng tayo at minsan patakbo takbo. Hindi mapakali. Gets mo ba ko?" I nodded. "One more thing."

Tiningnan ko sya at may kinuha sya sa bulsa nya. Tatlong maliliit na plastik na naglalaman ng maliliit na puting gamot.

"Ang isa, nakita kong pinainom ng clinic nurse ang isang junior ng ganitong gamot. Nagpanggap akong masakit ang ulo kaya binigyan ako ng gamot pero hindi ko sya ininom. Sinundan ko lang yung junior student at makalipas ang isang oras ay sobrang hyper at active na nya." Inilapag nya ang isang gamot sa harap ko.

"This one, kinuha ko ito sa mesa ng cafeteria kahapon kung saan ako dinumog nung mga estudyante. I saw severals of it pero isa lang ang nahablot ko dahil siniksik nila ko. And last, kanina lang ito. Dumaan yung kalaban nyong team at nahulog ang mga dala nya sa harap ko, tinulungan ko sya at pasimpleng kinuha ang isang lalagyan ng gamot na may naka-engrave sa labas katulad nitong dalawa. I'm so fortunate dahil may laman pang isang piraso. Ito nga pala yung lalagyan nya. See it by yourself."

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now