Mission 40: Don't Wake Me Up

61 6 1
                                    

SHIANA

"Sigurado ka bang okay ka lang?"

Pinigilan kong mapairap dahil sa paulit ulit na tanong ni Apreal sa akin. Bumuntong hininga ako bago tumango sa kaniya at nagsimulang basahin ang notes ko sa notebook kahit wala naman talaga akong maintindihan.

"Shiana, your notebook is upside down. Is that how you read?" Wika ni Brandon na nasa harap ko lang.

Napatitig akong mabuti sa notes ko at tama ng siya. Baliktad nga, kaya naman pala hindi ko maintindihan kasi nakabaliktad. Tsk. I closed my notebook and put it inside my bag.

"I thought you will gonna review?"

"It's just your thought."

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain at paglandi kay Kleo. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan na mapairap. Bukod kasi sa ang sagwa ng ginagawa nila ay sobrang PDA pa. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw sawayin ni Brandon yung dalawa kahit na nakikita naman nya at katabi pa niya. Just unfair.

"Shiana, are you mad? Look at your food, it is a total mess. Stop it." Sabi na naman sa akin ni Brandon habang nakaturo sa pagkain ko. "Aray! What's your problem, Jack?"

"Kambal talaga tayo, insensitive ka rin eh."

"What? Totoo naman eh, look at her food closely." Ito namang si Jack na uto-uto ay sinunod ng kapatid nya at lumapit sa pagkain ko. Napangiwi ito sa nakita nya. "Tama ako?"

"Tama ka nga, kambal."

"Shut up both of you! Don't mind her business. Nakakabaliw kayo!" Bulalas ni Apreal sa kanila kaya naman nanahimik na sila. Salamat naman.

Napatigil ako sa pagkain ng marinig ang usapan ni Mariz at Kleo.

"You wanna go out?"

"Where?"

"Club! Later."

"Mariz! You are not allowed to go out, remember?" Biglang singit ni Gale sa kanilang dalawa pero hindi siya pinansin nito.

"So, ano? Later?" Nakangiting tanong nito kay Kleo.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o nakita kong tumingin sakin si Kleo, mabilis lang 'yun na para bang tiningnan niya lang ang magiging reaksyon ko. Agad kong inalis ng tingin ko sa kanilang dalawa at nag-focus na lang sa pagkain. Napansin kong tumahimik sila, biglang may tumikhim sa gilid ko at tumambad sa akin si JM na ngiting ngiti.

"JM!" Napatayo ako ng bigyan niya ko ng tatlong bulaklak na mukhang kakapitas lang ulit. "Pumitas ka na naman?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Natawa siya at tumango. "Gusto ko lang itanong kung free ka ba mamaya?"

"Later?"

"Anong gagawin niyo mamaya?"

"Shiana? Anong meron sa inyo?"

"Who are you?"

Nanlaki ng mata ko sa sunod sunod na tanong ng mga kaibigan ko kay JM, mukhang nagulat din siya dahil hindi sya agad nakasagot kaya ako na ang humarap sa kanila.

"Guys, easy lang naman! Si JM 'yan, yung ka-club ko. Remember?" Nginitian ko siya pagkatapos dahil mukhang kinakabahan sya sa presensya ng mga kaibigan ko.

"I remember him! Siya ba yung naghatid sayo sa room kahapon?" Tanong ni Apreal na umakto pa na naaalala niya.

Tumango ako sa tanong niya.

"Have a seat." Nakangiting sabi ni Gale sa kaniya.

Umusod kaming tatlo at naupo sya sa tabi ko. Nararamdaman kong uneasy siya dahil panay ang tapik niya sa hita nya. Mukhang mas lumala pa ang pagkakaba nya ng magsimulang magtanong ang mga kasama ko.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now