Mission 38: Confession

47 5 2
                                    

SHIANA

Tanging ingay lang aircon ang maririnig sa pagitan naming tatlo. Kaming tatlo lang nina Apreal at Gale ang naiwan sa kwarto dahil naglabasan na ang iba para mag-lunch sa cafeteria. Dapat talaga aalis na rin kami kaso nagdala ng baon si Gale para sa aming tatlo. Ayoko naman siyang tanggihan kaya nag-stay ako, ito namang isa ayaw akong iwan dahil baka raw mag-iba na naman ang ugali ni Gale.

"Wala naman sigurong poison 'to, Shiana diba?"

"Apreal!" Saway ko sa kanya. She just rolled her eyes and continued eating.

Isang ugali na hindi maganda kay Apreal ay kapag may kaaway siya, ipaparamdam niya dito na hindi niya dapat binabangga ang isang Apreal Mayer. She could turn down all fictional bitches when she spoke. In this term, wala pa siya sa 10% ng pagiging bitch niya. Isang factor dahil kaibigan namin si Gale at ayaw niya itong masaktan kahit na galit sya. She still cares for her, that's the truth.

"Shiana, ayaw mo ba nung pagkain?" Napaangat ako ng tingin kay Gale at halata ang lungkot sa mga mata niya.

Ngumiti ako at kumain. "Hindi, Gale. Masarap kaya! May iniisip lang ako. Hehehe sige kain na ulit kayo."

"Sabi ko kasi sayo sa cafeteria na lang tayo kumain, these foods are not that delicious compared on what they sell." Hirit ni Apreal.

"Apreal, ano ba. Kumain ka na lang." She just shrugged after I said that. Ito talagang babae na 'to, hindi mapigilan ang bunganga minsan eh.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may biglang kumatok sa pinto, sabay sabay kaming napatingin dito at tumambad sa amin yung tatlong lalaki. Unang pumasok si Jack, kasunod ang kakambal nito at huli si Kleo.

"Wow! Mukhang masarap ah. Binili niyo lahat? Pahingi ah?" Wika ni Jack at kumuha ng plato at nagsalin ng kanin at ulam. Pinanood namin siya hanggang sa makatatlong subo siya. "Grabe! Saan niyo binilo 'to? Ang sarap talaga!"

"Talaga? Masarap?" Tanong ni Gale na parang hindi makapaniwala.

"Oo nga! Sino ba nagdala?"

"Ako."

"Naks, dalhan mo rin ako sa susunod nito ha. Ang sarap, promise. Mga bro, kain na kayo."

Hindi naman na sila nagpapilit pa at kumuha na rin ng kaniya kaniya nilang pagkain. Katulad nila, pinuri rin nila ang pagkain na dala ni Gale, sa kabilang banda naman ay tahimik lang si Apreal at sumandok muli ng kanin at ulam sa pangatlong pagkakataon. I secretly smiled. Hindi talaga magaling magsinungaling 'to, sasabihin niyang hindi masarap pero kanina pa siya balik ng balik.

Naramdaman kong may tumabi sakin pero hindi ko na pinansin. Siya lang naman 'yun. Isa pa, hindi ko pa rin nakakalimutan na may tinatago siya sakin tungkol sa misyon. I should know every details even though Angelica hadn't mentioned it to me. May karapatan ako no. Idagdag mo pa yung hinayaan na lang niyang umalis si Nayah at hindi ito pinilit na i-test sa laboratory nila ang mga gamot. Although it is a risky that she might end up knowing it, there is nothing's wrong in trying.

"Okay na ba kayong tatlo?" Natigilan ako sa biglang pagtanong ni Jack sa amin.

Napatingin ako kay Apreal na katulad ko ay natigilan din at kay Gale na ibinaba ang plate niya sa mesa.

"Jackson." Tawag sa kaniya ni Brandon. He place his index finger to his lips motioning to be quiet.

"Sabi ko nga, hehehe. Oh, kain pa kayo!"

"Excuse me, i'm full." Napalingon kaming lahat kay Apreal na biglang tumayo at kinuha ang gamit niya saka lumabas ng kwarto. Agad naman siyang sinundan ni Brandon.

A Mission With The Popular (COMPLETED)Where stories live. Discover now