AdM3

2.4K 73 0
                                    

Hala! Bakit pangalan ko lang ang nandito? Bakit walang number and class kagaya n'ung kay Sam?

Pinakita ni Sky kay Sam ang kan'yang I. D. Tinignan naman ng huli ito. Pagkatapos ay tinapik nito ang likod ng kaibigan. "Okay lang 'yan. For sure you'll know what's your magical power soon. Also, your abilities and its classes." Nakangiting sabi nito. Inilahad na nito ang kamay sa kaibigan. "But for now, pumasok na muna tayo."

Bumuntong-hininga muna si Sky bago tinanggap ang kamay ng kaibigan. Pagkatapos ng ilang segundo, muling nagbago ang paligid na kinaroroonan nila. Nasa isang silid-aralan sila, mukha namang ordinaryo ang itsura nito pero hindi ang laki nito. Tingin niya ay nasa sampung beses ang laki nito kung ikukumpara sa normal na silid-aralan.

Nakita niya ang iba't ibang tao-o mas tamang sabihing nilalang-sa paligid. May sari-sarili itong mga mundo at ni hindi man lang sila tinapunan ng tingin. Not that I want their attention. It's just weird. Sa mortal world, 'pag dumating o kahit dumaan ka man lang, lahat nakatingin sa 'yo. As in lahat. Nakakakaba kaya ang ganoon.

"Dito tayo." Sumunod siya sa kaibigan. Dumiretso sila sa dulong parte ng silid-aralan. Umupo siya sa pinakadulong upuan, 'yung malapit sa bintana. Namangha siya sa laki ng bintana at mas lalo siyang namangha nang makita kung ano ang nasa labas nito-isang kagubatan. Iyon ay ang parehong kagubatan kung saan siya nagkamalay at nakilala ang kauna-unahan niyang kaibigan.

"KdM." Rinig niyang sabi ng kaibigan. Naguguluhang napatingin siya dito. Tinuro nito ang kagubatan gamit ang mga labi. Napatingin siya muli doon. "It's short for Kagubatan de Majika." Napa-ah siya sa sinabi nito. So that's the name of the forest.

"Actually, tatlo ang ibig sabihin ng KdM." Napabalik ang tingin niya sa kaibigan nang magsalita muli ito. "One, the forest-Kagubatan de Majika. Two, the clinic where we've went-Klinika de Majika. Three, the canteen-Kantina de Majika."

Napatango-tango siya. Napakunot-noo siya nang makita ang ilang beses na pagbaling ng tingin sa paligid ng kaibigan. Maya-maya'y nakangiti itong tumingin sa kan'ya. "Since wala pa namang teacher, I'll teach you the basic about Akademya de Majika or AdM for short."

"Starting with the I. D.'s..." Pinakita nito ang sariling I. D. "The number in the I. D. represents the magical power of the owner. Mine for example is 16-25-18-15-20-5-3-8-14-9-3-19, if you convert it to a word, it says 'pyrotechnics.' That's my magical power. I have the power to generate bombs and explosives." Napa-wow siya. Natawa naman ang kaharap sa reaksyon niya. "Oh, please. Don't be amaze. Kumpara sa iba, napakahina n'ung sa 'kin. Class C-S ba naman." Natatawa pang anito.

"So back to the discussion, s'yempre nandito sa I. D. ko ang buong pangalan ko. Then, there are the classes. Your class represents your strength, how strong and powerful your magical power is, your abilities, you... How strong and powerful you are." Patuloy nito. "Example, I'm a Class C-S. The C represents my capability of controlling my magical power and the S represents my magical power-how strong and powerful it is." Natawa muli ito. "Oh, I forgot. There are levels when it comes to this-C is the lowest level, then there's B, A, and the most powerful one-the S."

Tinitigan nito ang sariling I. D. "Class C-S. Yes, my magical power is so powerful, but look at my capability of controlling it." Lumungkot bigla ang mga mata nito. She got sad just by looking at her. She was about to tap her friend's back, pero bigla na lang itong tumingin sa kan'ya, nakangiti. Napangiti na din siya.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now