AdM63

669 34 2
                                    

Kasalukuyang nakahiga sila Sky at Jo sa kama ni Vi. Katatapos lang nila buksan ang mga nilibreng libro ni Lonan para sa nauna-ngayon lang siya nakaramdam ng hiya, sapagkat napakalaki nang ginastos sa kaniya ni Lonan-at ang mga regalo ng pinsan para sa kaniya-na puro mga damit at sapatos na kahit kailan ay wala siyang balak suotin. Napapangiwi na lang siya noong binubuksan ang mga regalo.

Baliw rin ang Iro na 'yun! Nakakainis. Mukha bang nagsusuot ako ng mga damit na kita ang aking kaluluwa?! At sapatos na balak yatang pilayan ang magsusuot?! Kaka-stress!

Ang nagustuhan lang ni Sky ay ang mga librong binili ni Lonan-siyempre siya ang pumili ng mga 'yon, eh. At saka kahit anong libro, basta libro, she'll definitely love it! Bookworm alert!

Pero nakakahiya! Ang kapal talaga ng mukha ko para magpalibre kay Lonan! Hay... Paano ko kaya siya mababayaran?

Mukha pa namang hindi no'n tatangapin ang perang ibabayad ko kung sakali. He is prideful-well, based on my observation on his personality.

At saka naalala ko-hindi nga pala pera ang ipinangbabayad dito sa mundo ng majika kundi ginto! Saan naman ako makakahanap no'n?!

Kung puwede lang ibayad 'yung nandoon sa I. D., eh... On second thought, huwag na pala at maubos ko na ang laman no'n. Edi kung sakali, wala na 'kong budget!

Magtitipid na talaga ako, as in!

- a Riddlestory -

May biglang kumatok sa pinto... at parehong nanlaki ang mga mata nila Sky at Jo. Sabay pa silang napabangon mula sa pagkakahiga.

"Sino 'yon?" Mahinang-mahina ang pagkakatanong ni Sky kay Jo.

"Aba, malay ko! Kita mong magkasama tayo rito!" Mahina rin ang boses na sagot nito.

Tuloy-tuloy ang pagkatok, pero ni wala sa dalawa ang balak tumayo at buksan ang pinto, sapagkat pareho silang takot.

"Ikaw na magbukas!" Tinulak ni Jo si Sky kaya nahulog mula sa kama ang huli. Napangiwi ang nauna habang sinamaan siya ng tingin ng huli. Pero sumunod naman ito sa kaibigan.

Hawak-hawak ang wand, naglakad patungo sa pinto si Sky. Malakas ang kabog ng dibdib niya at bahagyang nanginginig pa ang mga kamay. Pero tinatagan niya ang loob. "Sino 'yan?!"

"Sam." Bulong ng nasa labas. Napahinga siya nang maluwag at mabilis na binuksan ang pinto.

"Ikaw lang pala, Sa-" Napatigil sa pagsasalita si Sky nang dire-diretsong naglakad papasok si Sam, ni hindi nito pinansin ang kaniyang presensya.

Napakurap-kurap siya, feeling a bit offended. Pero hindi na siya umimik pa, mukha kasi itong wala sa mood.

Dumiretso ang kapapasok pa lang na kaibigan sa dormitoryo sa sarili nitong kama at nagtalukbong. Ni hindi na ito nag-abala pang tanggalin ang suot na sapatos.

By then, she knew something was off. Isang segundo lang n'ung nakita niya ang mukha ng kaibigan, sapagkat pinanghaharang nito ang buhok doon, pero nakita niya ang mga mata nito-mugto. Ang mga labi naman nito, bahagyang nanginginig pa, tanda na napapahikbi. Agad siyang nakaramdam ng awa at pag-aalala para sa kaibigan.

Nilapitan siya ni Jo. Pabulong itong nagtanong sa kaniya. "Umiyak?" Iminuwestra nito si Sam.

"Halata." Kaniyang sambit.

"Usisain ba natin?" Jo asked.

Agad siyang umiling. "Huwag muna. Mukhang gusto niyang mapag-isa." Hinila niya na si Jo paalis ng dormitoryo. "Tara na."

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon