AdM41

875 41 4
                                    

“Do you need anything, Miss Secretary?” Pormal na tanong ni Vi kay Ela. As much as she want to get even with her, to slap her too, she’s still the school’s secretary and she still respects her for she’s still older than her.

Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “You—how dare you hurt my brother!” Nang akmang sasampalin ulit siya nito ay lumayo siya na mukhang kinagalit nito lalo.

Tumikhim siya at tinignan ang kaharap na animong walang pakialam, pero sa loob-loob niya ay kinakabahan na siya. “Oh, Ash?” She laughed, unamused. “He deserve it for he’s a jerk.”

Pulang-pula ito sa galit. Nilapitan siya nito. Umatras siya agad. Atras siya nang atras habang ang kaharap ay abante nang abante. Nakapasok na ito sa dormitoryo. Nang maramdaman niyang wala na siyang aatrasan pa dahil pader na ang nasa likod niya, naisip niyang pumunta sa ibang lugar gamit ang teleportation.

But she didn’t need to. Nawala na kasi sa kaniya ang atensyon ng sekretarya. Ang atensyon nito ay nasa kaibigan niya nang mahimbing na natutulog sa kama, kay Sky. Nilapitan nito ang huli at naniningkit ang mga matang tinitigan. Pinanonood niya ito, alerto dahil baka kung anong gawin nito sa kaibigan. Hindi pa naman kayang lumaban ni Sky kay Ela.

“Ano bang meron sa ‘yo at ikaw ang pinili ni Law?” Rinig niyang bulong ni Ela sa natutulog na kaibigan. Nilapitan niya na si Sky dahil ramdam niyang may hindi magandang gagawin dito si Ela. Nakita na mismo ng sariling mga mata niya kung paano ito magalit, nawawala sa sarili at kung hindi lamang napipigilan ay tiyak na matagal na itong nakapatay ng nilalang.

Napatingin ito sa kaniya nang makalapit siya. Kita niya ang mga negatibong emosyon sa mga mata nito—galit at selos. She faced her with a face void of any emotion. She must show that she is not afraid, even though she is, for the top three student of the school will surely underestimate her. They looked at each other intently, without even blinking. After a minute, she won for the secretary blinked her eyes. She smirked.

Mukhang mag-aalab na ito sa galit kaya pasimpleng tinignan niya si Jo na mukhang takot na takot, umiling siya at nginitian ito, pinapahiwatig dito na dapat hindi ito mag-alala. Kumalma naman agad ito kaya sinenyasan niya itong lumabas at humingi ng tulong. Tumango ito at dahan-dahang naglakad palabas ng dormitoryo upang hindi ito mapansin ng sekretarya.

“What?” She mockingly asked Ela. Kita niyang kumuyom ang kamao nito, saka siya nito sinamaan ng tingin. Natawa siya, mukha kasing nagpipigil pa itong patulan siya, natatakot ito, nasisiguro niya. Natatakot ilagay sa alanganin ang reputasyon, pati na rin ang puwesto sa gobyerno ng paaralan.

Bigla itong ngumisi na bahagyang ikinakaba niya, pero hindi siya nagpatinag. Tinaasan niya pa ito ng kilay. Napailing ito at mas lalong lumawak ang pagkakangisi. Tapos ay tumawa ito na para bang isang bruha.

Sumeryoso na ito. “Did you know what I told my brother more than two years ago?” Nahigit niya ang hininga. Kinuyom niya ang mga kamao, nakita nito ang kaniyang ginawa kaya tumawa ito ng malakas.

Lumapit ito sa kaniya, pagkatapos ay dahan-dahang nagsalita, para bang sinisiguro nito na maiintindihan niya ang lahat ng sasabihin nito. “‘Violet Danila Horsesorrow... Act interested in her. Then make her fall for you. When the moment that she’s madly in love with you comes, break her heart, tell her that you fell out of love. Make sure she’ll beg you to not break up with her, to take back what you said, then walk away and don’t look back.’”

She couldn’t believe everything she just heard. For the second time, she felt heartbroken. She was breathless, she felt like she was being suffocated. Her eyes began to water as she started reminiscing every sweet thing her ex-boyfriend told her.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now