AdM15

1.3K 48 1
                                    

"Sam! Sam! Sam!" Natutuwang tinawag ni Sky si Sam, pero hindi sumagot ang huli. Nilingon niya ito at napakunot-noo nang makitang nakatitig ito sa may bintana. Tinignan niya ang tinititigan nito.

Wala namang kakaiba, bukod doon sa blue water lake.

Kuminang ang mga mata niya sa nakita.

Wow. Ang ganda!

Bigla ay may napansin siyang kakaiba sa kaibigan. Kinalabit niya ito. "Sam? Okay ka lang?"

Lumingon ito at nagulat at nag-alala siya nang makitang namumutla ito. "Hala. Anong meron? Ba't ka namumutla?"

"W-Wala." Nauutal na sagot nito saka nag-iwas ng tingin. Tinaasan niya ito ng kilay.

Hinawakan niya ang mukha nito at pilit na pinatingin ang kaibigan sa kaniya. "I know something's wrong. Tell me."

"I-I saw a d-demon." Takot na takot at nauutal pang anito.

Nanlaki ang mga mata niya. Nanlamig siya. Tinignan niya ang buong paligid. "W-What? There's a demon in here?"

"Not here, there." Tinuro nito ang blue water lake.

Nagsimula siyang makaramdam ng kaba at takot.

A demon?! I don't want to see one!

Lord, protect us!

Napasigaw sa sobrang gulat ang dalawa nang tumunog ang bell. Gulat na napatingin sa kanila ang lahat.

"Anong nangyari?" Vi asked.

"Ba't kayong dalawa'y namumutla?" Jo asked, concerned.

Umiling si Sam. "Nothing. Nagulat lang kami."

Ayokong sabihin sa kanila. Baka kapag sinabi ko kay Vi kung anong nakita ko, mahimatay siya bigla sa takot o kaya mag-freak out.

Hinawakan niya ang malamig na kamay ni Sky at inilahad ang isang kamay kay Vi. Hinawakan naman ito ng huli saka hinawakan ang kamay ni Jo sa kabila. Tapos sabay-sabay silang naglaho.

Third class... Projective Magic.

Bigla ay nalimutan ni Sky ang tungkol sa sinabi sa kaniya ni Sam nang makita ang kabuuan ng Projective Magic subject classroom.

It's the same as Protective Magic subject classroom, only the walls are not white, but rather red and black. Red on the left side while on the right side, it's black. There are writings on the wall too, but this time it's black on the left while red on the right.

Nagmukha tuloy madilim ang paligid dahil sa kulay ng mga dingding.

Umupo ang apat sa may gitnang bahagi ng silid-aralan. Saktong pagkaupo nila ay pumasok si Zaha Tallbeam, Projective Magic subject teacher.

"Good morning class." Bati ni Zaha sa klase. Bumati pabalik ang mga mag-aaral. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya nang mapagtantong may dalawang mag-aaral na hanggang ngayon ay wala pa.

"Where are the others?" Hindi nakasagot ang klase sa tanong niya. Napabuntong-hininga siya. Pumitik siya at lumitaw ang listahan ng mga mag-aaral sa harap niya. Binasa niya ito.

Hmm... Seven girls and ten boys, seventeen in total.

Tinignan niya isa-isa ang mga mag-aaral. Napagtanto niya kung sino ang dalawang nawawala... Sila Lunaless at Skullwalker.

"Girls, sit on the front rows." Agad na sumunod ang mga babaeng mag-aaral. Napilitang lumipat ang mga nakaupo nang lalaki sa likuran.

Nahahati sa tatlong hilera ang mga upuan. Tigdalawang upuan sa bawat tatlong hanay, maliban sa isang upuan na nasa pinakaharap, kung saan nakaupo si Maddie.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now