AdM65

653 28 2
                                    

"Ano?! Ang tatanga niyo!" Galit na galit ang ama sa binalita sa kaniya ng mga tauhan. Halos umusok na ang ilong at mga tainga niya sa sobrang galit. Namumula na rin ang buong balat niya at ang hawak-hawak na kopita ay nabasag niya sa higpit ng kaniyang pagkakahawak doon.

Ang nasa tabi niya, sa gilid ng trono, na si Ronan, lihim na napangiti.

Hindi sila nagtagumpay...

Buti nga!

"Mga inutil! Bobo! Walang kuwenta! Walang silbi! Mga tanga!" Nangangalaiti na sa galit ang ama.

Gustuhin niya mang pagpapatayin ang mga tauhan dahil simpleng trabaho lamang ay hindi pa nila nagawa't napagtagumpayan, ngunit hindi puwede sapagkat kung gagawin niya 'yon, wala nang matitirang tauhan na poprotekta at gagawin ang mga pinag-uutos niya. Iilan na lang kasi ang natira—mga nasa isang libo na lamang mula sa dating sampung libo. Ginawa nang abo ang siyam na libo nila Law, Iro at ni Felix.

"Pero, ama!" Naglakas-loob magsalita ang isa sa mga tauhan. Ang atensyon ng lahat ay napunta rito. "Napamakapangyarihan nila! Lalo na ang kapatid n'yon!" Tinuro nito si Ronan, na bagamat nagulat ay nagawang taasan ng isang kilay ang tauhan—sa isipan ng dalaga, minumura niya ang huli.

Aba't dinamay pa 'ko, eh, nananahimik ako rito!

Napunta ang atensyon niya—ng lahat sa ama nang malakas na tumawa ito.

Sumunod ang mga tauhan.

Nagsitawanan din ang mga ito.

Ronan made a face and rolled her eyes.

Napapalibutan ako ng mga baliw!

"Ronan..."

Kinilabutan siya nang tawagin siya ng ama. Napalunok siya at pilit na pinatapang ang mukha bago lingunin ang halimaw.

Nakangisi ang ama—na nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso sa takot at kaba. Napansin nito ang pagkabalisa niya kaya naman ay lumawak ang pagkakangisi ng halimaw. Nahigit niya tuloy ang hininga.

"Ikaw... Ang gagamitin kong alas laban sa kapatid mo, Ronan Mary Any Skullwalker."

The color on her face drained.

Samantala...

"A-Ano?"

Hindi makapaniwala si Vi sa narinig—hindi, ayaw niyang maniwala. Hindi siya naniniwala sa sinabi ni Iro!

"Prank ba 'to?" Natatawa-tawang tanong niya. Nagbabakasali siyang sasabihin ni Iro ang mga katagang "You got me!"

Pero hindi... Umiling ang binata at tinalikuran na siya, na nagpanginig sa mga labi niya at ang mga niya'y nagsimulang magtubig. Naglakad na ito patungo sa pinto—upang pagbuksan ng pinto si Mira, ang nars, na noon ay may hawak-hawak na bulaklak... a lily, which represents rebirth, but also death. When combined, it represents rebirth after death.

Her eyes widened... and tears started to fall from her eyes.

Ang nars ay nabahala nang makita ang kaniyang pagluha.

Habang si Iro ay seryoso lamang ang mukha. Maya-maya ay naglaho na ang binata.

While Vi... She was regretting the words she have said just a while ago and mourning...

The loss of a best friend.

She still considers Matilda her best friend, after all.

She was only blinded by anger but now that her best friend's gone...

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now