AdM42

843 37 2
                                    

But I shouldn’t suspect for I don’t have any evidence yet.

Sky felt someone is staring at her. She looked back and saw Law. Napabuntong-hininga siya sa ginhawa.

He’s finally here! Thank God.

Now he can help Vi.

Akala niya ay papasok ito sa kanilang dormitoryo, kaya laking gulat niya nang lampasan siya nito at dire-diretsong naglakad patungo sa puwesto kung nasaan sila Maddie at Secretary Ela.

Naningkit ang mga mata niya. Maya-maya’y bigla siyang may napagtanto.

So, my intuition was correct? It was them?

Come to think of it. Why did Sam and Vi hated Maddie so much that they don’t even want to be in the same room as her?

The three were dorm mates—until now, and even when I’m not yet here. There’s a big possibility that they were once friends.

She gasped in shock.

Posible!

Napatingin sa kaniya si Sam, takang-taka ang mukha nito. Wala sa sariling napaturo siya dito, mukhang nagulat ito pero maya-maya ay nakabawi na ito at tinaasan siya ng kilay.

Lumapit siya lalo dito. “You and Vi and Maddie...” Umasim ang mukha nito. “You three were once friends?” Biglang naging blangko ang mukha nito at tumingin sa ibang direksyon, halata na iniiwasan nito ang tanong niya.

Napatango-tango siya. Hindi na niya pinilit pang magsalita ang kaibigan. She knew now.

So I was right.

Maddie unfriended them... For the secretary?

Bigla siyang mayroong naalala.

Wait. Maddie likes Iro.

Sam likes Iro.

That’s it!

Maddie chose love over friendship. She unfriended Sam for the latter likes Iro too, and she treated her as her rival, and Vi—guess she’s closer to Sam that’s why Maddie unfriended her too.

Makes sense.

Nagulat ang lahat nang may biglang nagsisisigaw. Walang iba kundi ang sekretarya.

Nagulat ang karamihan. That’s the first time they saw the secretary lost her cool. She was the school’s ‘prim and proper princess’ and she was the female equivalent of the president.

But not today. She lose it all.

“You can’t do this to me, Lonan!” Ela screamed.

Nanlaki ang mga mata ni Sky.

Lonan?!

Law’s real name is Lonan?!

Naalala niya ang sinabi ng kaniyang ina sa inaakala niyang isang panaginip kanina lamang noong nasa silid-detensyon siya.

“...A-Also, L-Lonan... Trust him, he will never betray y-you.”

So, Mom was referring to Law?! He’s the one I shall trust?!

Mom, bakit sa lahat ng nilalang sa mundong ito, si Law pa?!

What’s with him? Why should I trust him? He will never betray me, really?

Wait. That was just a dream... Right?

But it feels like it’s real, like it wasn’t just a dream!

Napabuntong-hininga siya. Sumasakit ang ulo niya.

Nakapikit na minasahe niya ang sentido. Naramdaman niya ang agad na pag-alalay sa kaniya ng kaibigang si Sam. “Hala! Sky, okay ka lang? Ano bang nangyayari sa ‘yo?”

Biglang may humaplos sa likod niya, ang kaibigang si Jo. “Hey, are you okay? Anong nararamdaman mo?”

Iminulat niya ang mga mata. Laking gulat niya nang bumungad sa kaniya si Law. Napakurap-kurap siya.

Bigla niyang naalala ang nakakahiyang pag-iyak at pagyakap niya sa binata kanina sa silid-detensyon. Namula siya at pinili niya na lamang na tumingin sa ibang direksyon. Saktong sa namumula din, pero hindi sa hiya kundi sa galit, na si Ela napunta ang kaniyang tingin.

“What?!” Ela roared at her. Napaatras siya sa gulat at takot. Para kasing mangangain ito ng buhay. Hindi lang siya kundi pati na rin ang mga kaibigan.

Pilit na iniharap ni Ela si Law sa kaniya. Katulad ng dati ay wala pa ring kaemo-emosyon ang huli, hindi mababasa kung anong nasa isip nito.

Pinaghahampas niya ito sa dibdib at pinagkakalmot sa mga braso na ikinagulat ng lahat nang nandoon. But she didn’t care about anyone’s reaction anymore, nor what everyone thinks about her now. She didn’t care about her image or reputation. She reached her boiling point. She didn’t hold back.

“You!” Nagsimulang magtubig ang mga mata niya. “All my life, I worked hard! I worked hard to get where I am right now! I worked hard to be in this position!” Gigil na gigil siya. “Then you’ll oust me all of a sudden just because of that girl!” Si Vi ang tinutukoy niya. “I hate you, Lonan! You’re so unfair!”

“You’re so unfair! You’re so...” She sobbed. “U-Unfair! Wala akong ibang ginawa kundi sundin lahat ng inuutos mo sa ‘kin! Halos wala na ‘kong oras para sa sarili ko dahil sa dami ng inuutos mo! Wala na ‘kong araw ng pahinga! Puro ka utos! Pumunta ka dito, pumunta ka doon! Kuhanin mo ang bagay na iyon dito, kuhanin mo doon! Ginawa ko ang lahat, lahat-lahat! Tapos aalisin mo ‘ko sa posisyon ko nang gano’n-gano’n na lang?!”

Nang mapagod siya ay nanghihinang napaupo na lamang siya sa sahig, pero tuloy pa rin siya sa pagluha. Inaasahan niyang babawiin ni Law ang sinabi nitong aalisin siya bilang sekretarya sa gobyerno ng paaralan, pero hindi. The president was firm on his decision.

“If you’re complaining of not having a day off, of having to do your responsibility, of complying with all my commandments, then the position of being secretary is not for you.” Law said, with his cold voice that gave everyone chills. He then turned his back and walked straight without looking back.

Everyone was tongue-tied. Nagkikiramdaman ang lahat. Ang iba ay napapatingin kay Ela, tila natigilan ito sa sinabi ni Law, pero maya-maya ay padabog itong tumayo at nilisan ang lugar. Nagkatinginan ang mga mag-aaral, saka sila bumalik sa kani-kanilang mga dormitoryo.

Hanggang sila Sam, Sky at Jo na lamang ang natira sa pasilyo. Nagkatinginan sila tapos sabay-sabay na tinignan ang pinto ng dorm seven. They tiptoed entering the dorm. Natapos na din sa wakas ang pagwawala ni Vi at ng kapangyarihan nito. Ang dormitoryo’y tahimik na.

Inaasahan ng tatlo na makikita nila si Vi sa sarili nitong kama, tulog o hindi kaya ay lupaypay nang nakahiga. Pero laking gulat nila nang hindi makita si Vi doon. Tumakbo papunta sa banyo si Sam, si Sky ay binuksan ang kabinet at tinignan naman ni Jo ang ilalim ng mga kama.

Wala ni isa sa mga tagong lugar na iyon si Vi! Naghanap pa sila kung saan-saan pero ni anino ni Vi ay hindi nila nakita. Si Sam ay natataranta na, si Sky ay kinakabahan habang si Jo ay nag-aalala. They looked everywhere for Vi, but she was nowhere to be found.

Nahagip ng mga mata ni Sky ang isang malaking bintanang nakabukas, sa sobrang laki ay kasya na siya doon. Ngayon niya lang nakita itong nakabukas. Nanlaki ang mga mata niya nang mayroong mapagtanto. Dali-daling nilapitan niya ang bintana at tinignan ang labas mula doon. Napasinghap siya sa gulat nang makita ang mga bakas ng paa, o mas tamang sabihing maruming sapatos, may putik-putik pa ito. Tumalon siya mula sa bintana at tinignan kung saan papunta ang mga bakas...

Kagubatan de Majika.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now