AdM31

967 32 0
                                    

Naalala ni Sky ang lahat ng mga masasamang pinag-iisip niya kay Law. Napapikit siya ng mariin, gusto niyang sabunutan ang sarili para kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam niya, pero baka isipin ng mga kamag-aral niya na nababaliw na siya at baka kung ano pang gawin sa kaniya ng mga ito, kaya pinili niyang huwag na lang itong gawin.

Napatingin siya sa binata. Nakatingin ito sa labas, seryosong-seryoso ito. Bigla itong lumingon sa gawi niya kaya agad niyang iniwas ang tingin dito. Bahagyang nagulat siya nang tumunog ang bell, indicating the end of the fourteenth class and the start of the fifteenth.

Dalawang asignatura na lang at matatapos na sa wakas ang pangkalahatang klase. Napabuntong-hininga siya. Gusto niya nang matapos ang klase at umuwi na nang makapagpahinga na. Napakaraming nangyari sa kaniya sa araw na ito, pagod na pagod siya.

Kinalabit siya ni Sam. “‘Uy, Sky, tara na—wait, are you okay?”

Nginitian niya ang kaibigan. “I’m okay, don’t worry. Let’s go.”

Tinitigan siya nito ng husto, hindi kumbinsado sa sagot niya.

“Sabi ko naman sa ‘yo, dapat lumiban ka na lamang. Puwede naman, eh.” Anito. “Sige na, ihahatid kita sa dormitoryo para makapagpahinga ka na.”

Umiling siya. “Dalawang asignatura na lang naman. Papasok na ‘ko. Tara na, nauna na sila Vi at Jo, oh.” Aniya. Sa katunayan ay silang dalawa na lang ang natira sa silid-aralan.

Sumimangot ito. “Nakakainis talaga ang ube na ‘yon! Akala niya yata matatakasan niya ‘ko. Ha! Never!”

Napakunot-noo siya. “Bakit ka naman tatakasan ni Vi? Anong meron? Saglit, mahuhuli na tayo! Tara na.”

Nanlaki ang mga mata nito. “Hala! Oo nga pala, may klase pa! Tara!”

Hinawakan nito ang kamay niya at agad nilang narating ang silid-aralan ng asignaturang Dimensional Manipulation, of course through the use of teleportation. They immediately sat down on the two remaining seats at the back of the classroom.

Sakto dahil pumasok na ang guro sa ikalabinlimang asignatura, si Sonny Hawkkeep. Napangiti ang mga dati nang mag-aaral sa paaralan, kilala na nila ang guro sapagkat hinawakan na nito ang klase nila dati. Malapit sila dito, mabait kasi ito at magaling magturo. Nagkan’ya-kan’ya bati sila dito.

Napangiti ang guro, tuloy ay sumingkit pa lalo ang singkit nang mga mata nito. “Naks! Naalala pa nila ako! Nakaka-tats! Ano, ako ba ay inyong na-mwes?” Natawa ang mga baguhang mag-aaral sa paraan nito ng pagsasalita.

“Yes, Sir!” Hyper na sabi ni Vi.

“Sir, I mwes you so mats! Mwah!” Dalawa lang ang hindi natawa sa sinabi na iyon ni Ash, si Law at si Vi. Inirapan pa ng huli si Ash. Nahuli naman niya iyon kaya inaasar niya ito, by making faces. She glared at him. Tinawanan niya ito kaya lalo itong naasar. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay pinanonood sila ni Sam, na ngayon ay nakataas ang isang kilay dahil sa suspetsa at pagtataka.

“Sir, yes, sir!” Animong sundalo na ani Coby at Dash. Sumaludo pa sila sa guro na natawa sa kanilang ginawa. Napangiwi si Sam sa nakita.

“I miss you, sir!” Ngiting-ngiti ani Maddie. Sumama agad ang mukha nila Sam at Vi. Natawa ang mga katabi ng dalawa na si Sky ay Jo.

“We miss you, sir!” Sabay na ani Molly at Mimi. Sumama muli ang mukha nila Sam at Vi at natawa muli ang mga katabi nilang dalawa.

Natawa ang guro. “Ako nga’y inyong na-miss. Well, students, I missed you too.” Naghiyawan ang mga dati na nitong mag-aaral. Pinanlakihan sila ng mga mata ng guro, pero hindi na din nito mapigilan ang matawa at mapailing. Naghiyawan sila muli.

Akademya de MajikaWhere stories live. Discover now